Anim na buwan na ang anak ni Bianca Gonzalez at ng basketbolistang si JC Intal nitong nakaraang Sabado, April 23.
Kaugnay nito, nag-post si Bianca ng larawan ni Baby Lucia sa kanyang Instagram na may caption na: “Six months today! First time to try solids!”
Makalipas ang ilang sandali, may nagkomento ng hindi maganda tungkol sa anak ng Kapamilya TV host.

Dahil sa tila panlalait na komento ni @joan132132, kinuyog siya ng followers ni Bianca.
Ipinagtanggol nila ang walang kamalay-malay na anim na buwan pa lamang na sanggol.
Pero nanindigan ang naturang basher sa kanyang komento.

Ayon pa sa mga nagtanggol kay Baby Lucia, bata pa lamang ito at sa kanyang paglaki, maaaring maraming mangyaring pagbabago sa kanyang hitsura.
Pero hindi pa rin nagpaawat ang basher.

Matapos nito, sinagot na siya ni Bianca mismo.

Hindi na sumagot ang naturang basher pagkatapos siyang sagutin ni Bianca.
Pero may isa pang komento na hindi rin pinalagpas ni Bianca.

Tugon ni Bianca kay @hazelnut_29:

Kumambiyo naman dito ang naturang commenter at humingi ng paumanhin sa kanya.

