Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dismisses comparison between Miss Philippines and Miss Peru

Matagumpay ang idinaos na coronation night ng Miss Peru 2016 kagabi, April 24, kung saan isa sa mga naging hurado ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Sabi ni Pia kay Miss Peru 2016 Valeria Piazza, "Well deserved! She's so humble and genuine. Stay sweet!"


Kinoronahan na ang bagong Miss Peru 2016 na si Valeria Piazza kagabi, April 24.

Miss Perú 2016, Valeria Piazza. #crowning #missperu2016 #civa #missuniverse #competition #crown Foto: @danytsukamoto / @catorceseis

A photo posted by Organización Miss Perú (@missperuofficial) on

Kasamang nagputong ng korona kay Valeria si Miss Peru 2015 Laura Spoya at si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Masaya si Pia na naging bahagi siya sa pagpili ng bagong kakatawan sa Peru sa Miss Universe 2016 dahil bahagi rin siya ng board of judges.

Nagpasalamat naman si Valeria kay Pia na itinuturing nitong "greatest gift" sa kanyang pagkapanalo.

Ngunit may ilang netizens na ikinukumpara si Valeria sa Miss Universe-Philippines 2015 na si Maxine Medina.

May mga komentong hindi nagustuhan ni Pia kaya naman nakiusap itong huwag pagkumparahin ang dalawang bagong hirang na beauty queens.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN