Mark Herras opens up about the death of his mother

Mark Herras on moving on after his mother's death: "Iniisip ko na lang parang nadagdagan yung mga nagbabantay sa akin, yung mga guardian angel ko, dumami na sila. Kasi, every night, pag nagdadasal ako sa gabi, sa daddy ko, sa Mamang ko, ngayong nadagdagan na nga… I just wish na sana masaya na siya na kasama na niya si Mamang at si Daddy sa taas."


Halos isang linggo pa lang ang nakalilipas mula nang ihatid sa kanyang huling hantungan ang ina ng Kapuso actor na si Mark Herras.

Kaya naman sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark sa Rosario, La Union, noong Sabado, April 23, ay ramdam pa rin ang matinding lungkot na pagkamatay ng kanyang ina na si Jasmin Santos.

Pahayag niya, “It’s sad, it’s very sad actually.

“Kasi wala pang two years mula nang mamatay si Daddy. Two years pa lang siya ngayong July 28.”

Ang tinutukoy ni Mark ay ang pagkamatay ng kanyang adoptive father na si Jun Herras noong 2014.

Patuloy niya, “Actually, hindi ko naman gustong sabihin na sanay na akong laging may namamatay sa family ko; like si Mamang, lola ko, my dad, and then ngayon si Mama.

“Pero ang wish ko lang, sana maging healthy naman yung family ko sa mga susunod na taon. 

“Kasi I don’t know kung kaya ko pang tanggapin kapag isa pang nangyari sa pamilya mo, di ba?”

Ayon kay Mark, “Hindi naman siya nakakatulong or yung pagiging positive sa buhay. 

“Kasi ang hirap gawing positive yung buhay mo kung ganun ang nangyayari sa family mo, di ba?

“Ako naman, ang iniisip ko na lang, at least yung mom ko, hindi na siya nahihirapan, like nung nakaraang taon na nakikita ko siya…

“Hindi na siya actually gumising… pero kasi sumobrang payat na ni Mama.”

SEVERE DEPRESSION. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Mark ang naging karamdaman ng kanyang ina.

“Severe depression lang talaga yung nakikita sa kanya.

“Wala naman siya talagang major na sakit. 

“It started nung namatay si Mamang, yung mama niya. Hindi na siya naka-recover from that. 

“Parang makaka-recover siya for a while, makakabawi nang konti, magkakalaman siya nang konti, she can walk again.

“Pero mas sandali lang yung recovering time niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sobrang tagal yung depression niya na up to the point na nangyari sa kanya recently, hindi na siya kumakain at all, hindi na siya tumatanggap na kahit anong solid, liquid, kahit water.

“Nagkaroon na siya ng bed sores… severe depression nga.”

Patuloy ni Mark, “Ever since naman, nung mamatay si Mamang and my dad, kapag nagkakasakit siya ng ganyan, before pa itong nangyari last week, before pa sinasabi na niya na, ‘Kunin na niyo ako, Mang, sama na ako sa inyo.’

“So, lagi namin siya kinakausap ng kapatid ko, ‘Mang, nandito pa kami, nandito pa yung mga apo mo.’

“May apo siya sa kapatid ko, may apo siya sa akin. 

“At tuwing makakausap namin siya, ‘Sige, lalaban ako.’”

MOVING ON. Hindi raw nakikita ni Mark na magiging gaya siya ng ina kung ang pagbabasehan ay ang dami na rin ng pinagdaanan niya sa buhay.

Saad ng StarStruck alumnus, “Saka isa nga yun sa mga reason and, at the same time, talagang tumatayo rin ako bilang mga paa ng family para maging fighter. 

“Kasi kung hindi, kung sakaling pabayaan ko lang ang sarili ko para sa buong pamilya…”

Gaano kahirap yung pinagdadaanan niya ngayon?

Sagot ni Mark, “Ang feeling ko kasi siyempre, hindi mo mai-explain. Yun nga, malungkot. 

“Actually, dati nasa side table yung picture ng daddy ko and my Mamang, ngayon tatlo na silang nandun.

“Siyempre, I need to work. Kailangan ko pa ring gawin yung mga ginagawa ko sa buhay. 

“Iniisip ko na lang parang nadagdagan yung mga nagbabantay sa akin, yung mga guardian angel ko, dumami na sila.

“Kasi, every night, pag nagdadasal ako sa gabi, sa daddy ko, sa Mamang ko, ngayong nadagdagan na nga…

“I just wish na sana masaya na siya na kasama na niya si Mamang at si Daddy sa taas.

“Kasi yun naman ang gusto niyang mangyari ever since after mamatay ni Mamang at ni Daddy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Mark, “Ako naman, kaya ko naman.

“Hindi naman ako yung tipo ng taong pababayaan ko ang sarili ko, madi-depress ako.

“Yes, I’m sad, I’m depressed, pero may kailangan din akong gawin sa sarili ko.”

Dumalo si Mark bilang isa sa mga judge ng Binibining Rosario, La Union, isang beauty pageant na inorganisa sa ilalim ng pamamahala ng incumbent mayor na si Red Flores III.

Ito ay para sa taunang Linubian Festival at Town Fiesta sa Rosario, La Union.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN