Sanya Lopez admits being hurt by negative comments about bagging Encantadia role

Newcomer Sanya Lopez said she worked hard before she got the role of Danaya in Encantadia 2016.


Hindi biro ang preparasyon ng bagong female actress na si Sanya Lopez para sa kanyang pagganap bilang Danaya sa upcoming GMA-7 fantaserye na Encantadia.

“Ang sarap sa feeling and thankful ako,” bungad ni Sanya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na #SkyRanchDateWithDanaya sa Sky Ranch, Tagaytay City, nitong Lunes, April 25.

Ang papel na gagampanan ni Sanya ay ang engkantadang nangangalaga sa brilyante ng lupa, na unang ginampanan ni Diana Zubiri sa original Kapuso primetime series na ipinalabas noong 2005.

Bukod sa acting workshop, workout, at pag-eensayo para sa kanyang fight scenes, sinabi ni Sanya na hindi biro ang pinagdaanan niyang auditions.

Umabot hanggang apat na callbacks bago nakuha ng 19-anyos na aktres ang role ni Danaya.

Una raw siyang pinag-audition sa role ni Lira (ginampanan ni Jennylyn Mercado) at sumunod ang role ni Alena (ginampanan ni Karylle), at ang role ni Danaya na siyang ibinigay sa kanya.

May mga kumukuwestiyon sa pagkakapili kay Sanya para sa role, dahil siya ang pinakabaguhan kumpara sa mga makakasama niya sa 'requel' ng Encantadia na sina Kylie Padilla, Gab Garcia, at Glaize de Castro.

Ngunit ayon kay Sanya, “For me, meron silang nakita sa akin.

“Di ko rin po alam kung ano po yun, pero thank you Lord, it’s a big blessing for me.

“Kasi mismo ako, hindi ko rin po alam kung bakit kasi unexpected din po talaga.

“Siguro nakitaan ako nina Direk Mark Reyes ng iba na meron silang nakita sa akin na same with Danaya.”

ON CRITICS. Aware daw si Sanya sa mga bashers niya, pero depensa niya, hindi rin biro ang pinagdaanan bago maibigay sa kanya ang role.

“Siguro hindi naman sobrang hurt, medyo lang.

“Kasi hindi rin po biro yung auditions na pinanggalingan naming lahat.

“Kung matanong kung bakit kami [ang napili], hindi maiaalis na ma-hurt nang konti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hinahanda na rin daw niya ang sarili sa mga kritiko.

“Sabi ko naman po, kung meron mang namba-bash o meron mang negative comments, I’ll take [it] constructively, nakakatulong pa rin sa akin.

“Kapag binash, nasa sa 'yo if you take it negatively or positively.”

Ramdam man daw niya ang pressure, ayaw niyang magpaapekto rito upang magampanan nang maayos ang role bilang Danaya.

“Pinipilit ko na hindi maapektuhan ang trabaho ko, kasi once na ma-pressure ako, maaapektuhan ang trabaho ko.

“Sana makuha natin kung ano ang hinahanap sa Encantadia, sana ma-fulfill ko yun,” pahayag ng nakababatang kapatid ng Kapuso actor na si Jak Roberto.

Ikinatuwa rin ni Sanya ang pagbati sa kanya ni Diana Zubiro mismo dahil siya ang napili para sa role.

“Sobrang saya, sobrang sarap sa feeling dahil alam kong tanggap ako ni Miss Diana Zubiri na gampanan kung ano ang ginampanan niya dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN