Did Enrique Gil really touch Liza Soberano's boobs in viral photo?

Kumakalat ngayon sa social media ang larawan kung saan tila nakahawak si Enrique Gil sa dibdib ng kapareha niyang si Liza Soberano. Ngunit ayon sa Kapamilya actor, "Hindi naman nakahawak… baka mukhang nakahawak pero hindi."


Nagpaliwanag si Enrique Gil tungkol sa kumakalat ngayong larawan nila ni Liza Soberano, kung saan tila nakahawak ang isang kamay ng Kapamilya heartthrob sa dibdib ng kapareha.

Dahil dito, ilang netizens ang nagbigay agad ng malisya at inakusahan pa si Enrique na namamantala kay Liza.

Pero ayon kay Enrique, “Hindi naman nakahawak… baka mukhang nakahawak pero hindi.

“Nakita ko nga, sabi ko, wala naman ‘yan. Siyempre inalalayan ko lang.

“It may look like that from that angle, na mukhang hinawakan ko, pero I don’t remember ever doing that.”

Ayon kay Enrique, si Liza pa ang unang nagpakita sa kanya ng naturang larawan.

“Yeah nakita ko nga, e… ‘Ay, ano ‘yan?’ sabi ko.

“Wala, pati nga siya, hindi niya alam yun, e, sabi niya,” pahayag ng Dolce Amore actor nang makausap siya ng PEP.pg (Philippine Entertainment Portal) sa Himig Handog P-pop Love Songs 2016 na ginanap sa Kia Theater noong Linggo, April 24.

Sa pagkakatanda ni Enrique ay kuha ang naturang larawan sa University of Sto. Tomas, kung saan nag-shooting sila ng station ID ng ABS-CBN para ngayong May elections.

Kaugnay nito ay may isang netizen ang kaagad na nagtanggol kay Enrique at ipinakita ang larawang kuha niya mula sa nasabing event.

Makikita sa anggulong kuha niya ay nasa tapat lamang ng dibdib ni Liza ang kamay ni Enrique at hindi nakadikit dito.

Makikita rin sa larawan na napapaligiran sila ng maraming tao, at marahil daw ay pinuprotektahan lamang ni Enrique ang kapareha mula sa mga taong gustong lumapit sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN