Derrick Monasterio: "Yung album po, para sa mga sikat, hindi siya para sa marurunong kumanta."

Derrick Monasterio on his long wait to have an album: "Wala naman akong against to somebody, pero medyo unfair lang. Siyempre meron [frustration], meron po yun, kasi bakit siya meron na, ako wala pa."


“Bakit, sino ba yung walang K kumanta?”

Ito ang balik-tanong ng Kapuso star na si Derrick Monasterio nang sabihin ng entertainment press sa kanyang may karapatan siyang magkaroon ng sariling album dahil may boses talaga siya.

Inilunsad na ng GMA Records ang self-titled debut album ni Derrick, na naglalaman ng anim na tracks at isang bonus track na duet nila ni Julie Anne San Jose.

“Honestly, medyo nakaka-sad din para sa mga singers, parang unfair lang siya kasi, kami yung… kami?” natawang sabi ni Derrick sa album launch niya sa Victorino’s Restaurant noong April 21.

“Siyempre, yun, parang medyo unfair lang.

“Wala naman akong against to somebody, pero medyo unfair lang.”

Dumating din ba siya sa puntong medyo na-frustrate siya sa tagal ng paghihintay na magkaroon ng sariling album?

Pag-amin ni Derrick, “Siyempre meron, meron po yun, kasi bakit siya meron na, ako wala pa.”

Sino yung “siya” na tinutukoy niya?

“Si Selena Gomez, nauna pa siyang magka-album kesa sa akin!” biro naman ni Derrick.

Pero dagdag niya, “Siguro po kasi ngayon, these days, ha, yung album po, para sa mga sikat, hindi siya para sa marurunong kumanta.”

E, di masasabing sikat na rin siya dahil may album na siya?

“Hindi naman, it’s just finally na-discover na rin nila ang talents ko.

“Pero kung tutuusin, sa Artist Center, ang daming magagaling kumanta pero hindi nabibigyan ng chance.

“Kasi ang album, per talent. 

“Hindi ko naman sinasabing walang talent yung iba, siguro mas maraming deserving, and siguro that’s how it works po talaga.”

EX-GIRLFRIEND. Ang kantang “Give Me One More Chance” daw ang idine-dedicate ni Derrick sa kanyang ex-girlfriend na si Yssa Pressman, kapatid ng Viva star na si Yassi Pressman.

May anim na buwan na rin daw silang break.

Aniya, “Siyempre, okey naman na ako that time, naka-move on na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero saktong-sakto ang mga lyrics kaya nag-trigger ulit, pero wala na naman.

“Parang yung hugot lang na, 'Ay, sumakto lang sa kanta.' Pero wala na naman yun.”

Si Yssa pa lang daw ang naging girlfriend niya.

Tumagal daw ng isang taon at tatlong buwan ang kanilang relasyon.

Hindi ba niya nami-miss ang may girlfriend?

Sagot ni Derrick, “Hindi po, naiisip ko, hindi ko naman kailangan ng girlfriend. Hindi pa sa ngayon.”

Karamihan ng kanta sa kanyang album ay “hugot songs.” May pinaghuhugutan ba siya?

“Meron naman, lahat naman tayo siyempre, may pinaghuhugutan,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN