Jan Manual focused on becoming a pastor; wants to lessen gay roles

Jan Manual is studying to be a pastor and has started hosting a travel show on cable, a marked departure from the gay characters he plays on television. "Bumalik po tayo sa pag-aaral sa simbahan... kaya pakiusap ko lang sana na ibang role naman ang ibigay sa akin. Sana ay maintindihan nila ang pakiusap ko," he says.


Bukod sa pag-i-impersonate kay Manny Pacquiao bilang PacBoy, nakilala si Jan Manual sa kanyang gay roles sa mga teleserye ng GMA Network.
    
Kaya hiling ng Kapuso actor-comedian, sana ay huling gay role na niya ang magtatapos nang primetime series na That’s My Amboy.

Nasabi ni Jan ang bagay na ito sa panayam namin sa kanya sa taping ng That’s My Amboy sa GMA Annex Building last week.

Pahayag niya, “Hindi ko naman totally aayawan ang pagganap sa mga gay roles.
    
“I have nothing against it naman kasi diyan na rin po ako nakilala, e.
    
“Pero kung may ibang role naman na kaya kong gawin, yun sana ang ibigay nila sa akin.
    
“Kasi minsan, magkakasunod ang mga gay roles na ginagawa ko.
    
“Kasama rin po sana ako sa isang teleserye, pero gay din ang role.

“Parang walang pinagkaiba sa ginawa ko sa That’s My Amboy, di ba?
    
“Pero thankful po ako sa GMA-7, kasi kapag gay role, ako agad ang naiisip nila for the role.
    
“Kaya ko naman gumanap na kontrabida, e. Basta any role na challenging.”
    
SOON-TO-BE PASTOR. May kinalaman din ang pag-aaral ni Jan na maging isang pastor kaya nais na nitong iwasan ang paglabas bilang bading sa TV.
    
“Somehow may kinalaman din po doon, pero naiintindihan naman tayo ng mga elders natin.

“Artista po tayo at trabaho natin ang gampanan ang anumang role na ibigay sa atin.
    
“Pero sa pagkakataong ito, bumalik po tayo sa pag-aaral sa simbahan.

“Ako na rin ang nagsabi na iiwasan ko muna ang gumanap na bading sa TV.
    
“Serious po kasi itong pinag-aaralan natin sa church, kaya pakiusap ko lang sana na ibang role naman ang ibigay sa akin.
    
“Sana ay maintindihan nila ang pakiusap ko,” diin pa ni Jan. 

Samantala, nabigyan ng pagkakataon si Jan na mag-host ng sarili niyang travel show ng isang cable channel.
    
Nagpapasalamat nga si Jan dahil first time niyang mag-host ng sarili niyang show.
    
“First time kong gawin ang mag-host kaya excited akong gawin yung show.
    
“Nakapag-shoot na kami ng ilang episodes at umeere na siya.
    
“Sana ay simula na ito ng mga bagong gagawin ko sa TV.”
    

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN