Yeng Constantino delays plans of having a baby

Yeng Constantino delays plans of having a baby with husband Yan Asuncion. However, she said that currently, she is in the happiest state of her life right now. "I think I've never been this happy in my life. I'm in the happiest right now."


Isang taon na simula nang ikasal si Yeng Constantino sa kanyang mister na si Yan Asuncion.

Kaya naman nausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters ang Pop Rock Princess kung kailan nila binabalak na magkaanak.

Sagot ni Yeng, “Dapat next year.

“Pero nag-extend pa kami kasi ano pa, gusto pa naming mag ipon.

“Kasi yun yung dream namin, e. Travel kami nang travel.

“[Napag-usapan namin na], ‘Okay, travel muna tayo, tapos mag-baby tayo, tapos pag two years na siya.’

“Ganoon kasi kalayo yung mind namin. Pag nag-two years old siya, travel tayo uli.

“So, nag-iipon talaga kami.”

Nakausap ng PEP at ibang reporters si Yeng kanina, April 27, sa press conference ng kanyang upcoming concert na Divas Live in Manila, kung saan makakasama niya sina Rachelle Ann Go, Angeline Quinto, KZ Tandingan, at Kyla.

RELATIONSHIP WITH YAN. Bagamat isang taon na siyang kasal, sinabi ng 27-year-old singer na halos wala namang nabago sa buhay niya.

Subalit hindi raw ganoon kay Yan.

Lahad niya, “Mas maraming nagbago sa life niya.

“Sabi pa nga niya sa akin, minsan gumigising pa raw siya sa morning na, ‘Grabe, may asawa na pala ako. Ibang-iba na yung life ko.’

“Ako kasi, wala talaga, e. Walang something.

“Parang nadagdagan lang ako ng taong magmamahal sa akin.

“Pero siya, ang daming adjustment, kasi wala siyang kapatid na babae.

“He doesn’t know how to communicate with a girl. First girlfriend niya ako.

“So, the more na magkasama kami, the more na naa-unfold pa kung gaano ka-masalimuot ang emotion ng babae.”

Ang tinutukoy ni Yeng ay ang mga panahong nagkakaroon ng mood swings ang mga babae, lalo na kapag siya ay nakararanas ng PMS.

“So, parang siya, ‘What is going on?’

“But now, he’s really learning.

“May mga times na hindi pa niya maintindihan, but he just trusts na matatapos din yung hormones ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang bait niya lang kasi talaga.”

Dito nabanggit ni Yeng na siya ay nasa pinakamasayang bahagi ng buhay niya ngayon.

“I think I’ve never been this happy in my life. I’m in the happiest right now.

“Wala, sobrang contented ako with my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN