Cesar Montano still fighting for his right to see children with Sunshine Cruz

Cesar Montano on legal battle with estranged wife Sunshine Cruz: "Ang annulment, nandiyan pa, it's still ongoing… working progress. Ang iba naman na-dismiss na, but of course, I don't wanna talk about it. Pag ganyan kasi, nai-involve na ang mga bata. Kung kaming dalawa lang, sige, magsasalita na ako."


Aminado si Cesar Montano na may kaunti siyang hinanakit dahil matagal na niyang hindi nakikita ang mga anak nila ng kanyang estranged wife na si Sunshine Cruz.

“Pag sinabi ko yung dahilan, masasaktan lang yung nanay nila, e.

“Huwag na lang. Mabuti pang huwag na lang,” sabi ni Cesar nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng solo oil painting exhibit niya sa Kamuning Bakery Café kaninang hapon, April 27.

Ayon pa sa actor-director, inilalaban pa rin naman niya hanggang ngayon ang kanyang karapatang makita at makasama ang mga anak.

“I have all the rights to see my children.

“Malungkot isipin, pero hindi pa rin ako nalulungkot nang tuluyan dahil alam ko darating ang panahon na magkakasama pa rin kami at magiging masaya pa rin kami.”

RESPONSIBLE FATHER. Sa kabila nito, nilinaw ni Cesar na hindi siya nagkukulang sa kanyang responsibilidad bilang ama sa tatlong anak nila ni Sunshine.

“Kahit hindi naman kami nagkikita, ayun, naka-enroll sila for 2016. Buong taon ko silang binayaran.

“Mabuting sinasabi ko po para hindi iba ang nakakarating sa inyo.

“From day one, ako naman ang nagpapaaral sa mga bata.

“Remember, hindi naman siya [Sunshine] nagtatrabaho nun.

“Intentionally, hindi ko naman talaga siya pinagtrabaho nun. Gusto ko hands-on siya sa mga bata.”

Dagdag pa ng 53-year-old actor, “From time immemorial, ako ang nagpapaaral until to this day ako ang nagpapaaral, and it’s my passion.

“Walang makakapagtanggal sa akin nun.”

COURT CASE. Ayaw nang ikuwento pa ni Cesar ang latest development ng mga kaso nila ni Sunshine laban sa isa’t isa dahil mas mabuting tahimik na lang daw ito.

Saad niya, “Ang annulment, nandiyan pa, it’s still ongoing… working progress.

“Ang iba naman na-dismiss na, but of course, I don’t wanna talk about it.

“Pag ganyan kasi, nai-involve na ang mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung kaming dalawa lang, sige, magsasalita na ako.

“But I want to keep quiet about it, for the sake of the children.

“Nasasaktan ang mga bata, e.”

CESAR CLAIMS HE’S SINGLE. Diretso na rin naming tinanong ang tungkol sa love life ni Cesar at kung totoong isang beauty queen ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ngayon.

Pero mabilis ang sagot niyang single daw siya ngayon at walang ibang karelasyon.

“Open na open po ako. Single and happy po ako.

“I’m just committed to raise my children well and to give them good education,” sabi ni Cesar.

Dagdag pa niya, “I’m so inspired with my work, with my paintings, yung sa mga bagong pelikulang naka-line up.

“After elections, may mga pelikula akong gagawin.”

Pinagkakaabalahan din ngayon ni Cesar ang pangangampanya sa partylist nitong Aangat Tayo.

Mayroon din daw siyang bagong programa sa TV5 na magsisimula sa July, ang The King of Masked Singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN