Jake Cuenca remains friends with ex-girlfriend Sara Grace Kelley; describes his love life as down

Jake Cuenca remains friends with ex-girlfriend Sara Grace Kelley. However, he admits, "Nandoon ako sa proseso na minamahal ko ulit yung sarili ko. At bago ako magmahal ulit, kailangan mahal ko muna ang sarili ko."


Inilarawan ni Jake Cuenca na “down” ang love life niya ngayon.

“Wala wala. I just said my love life is a bit down.”

Pero masaya raw ang aktor na nananatili silang magkaibigan ng ex-girlfriend niyang si Sara Grace Kelley pagkatapos ng kanilang breakup.

“But like with my ex Sara, I’m really happy for her.

“Everything she’s accomplishing, I’ll always be here to support her.

“If she needs me, I’m there. I’ll help her out.”

Subalit dagdag niya, “But I think, now, it’s time to work.

“And sobrang blessed ako na tuluy-tuloy yung projects ko at iba’t ibang oportunidad yung binibigay sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jake pagkatapos ng media announcement ng bago niyang teleseryeng Because You Love Me kagabi, April 27, sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Huling napanood si Jake sa Pasion De Amor, na isa sa mga naging topraters ng Kapamilya network noong 2015 hanggang matapos ito noong Marso.

Bago niya simulan itong proyektong ito kasama si Gerald Anderson, mapapanood muna siya sa isang guest role sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaya naman naitanong siya kung mas okay bang single para makapag-focus sa career.

Sagot ni Jake, “No, kayang-kaya yan.

“Actually, love inspires you to be the best that you can be.”

Dito ay inamin ni Jake na nasa proseso siya ngayon na mahalin uli ang kanyang sarili.

“Pero of course, like nandoon ako sa proseso na minamahal ko ulit yung sarili ko.

“At bago ako magmahal ulit, kailangan mahal ko muna ang sarili ko.

“So that’s what’s happening right now.”

UNCONDITIONAL LOVE. Sa press conference proper ng media announcement, isa sa mga naging tanong sa cast ay ang pananaw nila sa unconditional love.

Nang sumagot si Jake ay nabanggit niya ang tungkol sa mga naging dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s kinda hard. Minsan hindi ko puwedeng kapalan yung mukha ko kasi ang dami ring masasabi sa akin, e.

“Imagine, my last girlfriend is from the States, pero aware siya with everything that I went through.

“Because you can just Google me or YouTube me, and see all the interviews about my ex-girlfriends, and there’s so many conditions, right?

“And para matanggap ng isang tao yun, I don’t have conditions.

“I know what I like, kahit may flaws yung taong yan, kahit may turn-offs, mamahalin ko 'yan.”

Dito ay nasabi ng 29-year-old actor na nagpapasalamat siya at natanggap siya ng kanyang mga naging girlfriend.

“I’m just thankful that, my future preferences and my past, I’m just thankful that they all loved me despite my conditions, all my flaws and my mistakes in my life.”

Kasama na rito ang pagiging magkaibigan nila ng kanyang ex-girlfriend.

“Ako, sabi ko, kahit na ex ko na yung my last girlfriend, but because maybe I love her unconditionally, parang kahit hindi na kami in love sa isa’t isa, I’ll drop everything to go there if she needs me.

“Kunyari pag may nangyaring masama, I’ll drop everything, pupuntahan ko talaga siya.

“Noong umpisa, noong kami pa, I can drop everything, kasi ganoon ko siya kamahal.

“And kahit nag-break na kami, magkaibigan kami, I’d still be there for her if she needs me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN