Former Kapuso teen actress Lexi Fernandez reveals why she quit showbiz

Before she was diagnosed with depression and anxiety, Lexi Fernandez revealed in a blog entry that she had a strong desire to gain people's approval. Today, the daughter of actress Maritoni Fernandez is out of the limelight and is focusing on her studies.


Depression at anxiety ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang dating teen actress na si Lexi Fernandez na iwan ang showbiz noong 2013.

Si Lexi ay anak ng aktres na si Maritoni Fernandez at nakagawa ng ilang proyekto sa GMA Network; kabilang na ang Tween Hearts (2010) at Kakambal ni Eliana (2013).

Ipinost ni Lexi sa kanyang Facebook account ang link ng blog kung saan inilahad niya ang kanyang kuwento.

"During the three years I was working, I was already secretly battling anxiety and depression, but it wasn’t until 2013, while I was working on my last soap, that I could no longer handle it. I just exploded," pagbabahagi niya,

Lahad pa ng dalaga, bago pa man siya pumasok sa showbiz ay binalaan na siya ng kanyang ina na mahirap ang pag-aartista.

Inakala raw ni Lexi na ang ibig sabihin ng ina ay trabaho ang tinutukoy nitong mahirap.  

“Having been raised out of the spotlight, even though I was technically exposed to the industry because of my mom at a very young age, I didn’t really truly know what I was getting into.

“I was warned, numerous times by my mom, that it was hard.”

Ayon pa kay Lexi, nakaramdam siya ng malaking paghahangad na magustuhan ng ibang tao.

"I pushed myself to change into someone I was very uncomfortable with just to fit in with the rest of the crew.

“Little did I know that doing so would just make me all the more prone to conflict.”

May mga pagkakataon daw na naging “manipulative” siya sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay upang magustuhan siya ng ibang tao, kahit nangangahulugan daw itong pagtapak sa iba.

“I slowly became very unlikable as a person and even as a friend. To a 15 or 16 year old, that was torture.

“I remember feeling embarrassed and regretful a lot of the time, but because I was in the business, I felt as though speaking the truth was not an option.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas daw siya paalalahanan ng kanyang ina noon na maging totoo at magsabi lamang ng totoo.

Subalit kabaliktaran umano ang ginawa niya kung kaya’t nawalan siya ng mga kaibigan.

Bumigay umano si Lexi habang ginagawa ang kanyang pinakahuling proyekto, ang Kakambal ni Eliana, noong 2013. Bida sa naturang teleserye sina Kim Rodriguez, Kristoffer Martin, at Enzo Pineda.  

"Nevertheless, put two and two together, secretly struggling with anxiety and depression as well as problems of a teenage girl, it wasn’t long before I could no longer handle it.

“After about a year, while working on Kakambal ni Eliana, I suffered from a fatal asthma attack.

“After that, I took it upon myself to take a break to just focus on working on me."

Nakabuti naman daw umano sa kanya ang desisyong iwan ang showbiz.

"Three years after taking a step back from the spotlight, being 21 years old, I looked back and just laughed at what I used to think was the end of the world for me.

“The problems I considered the biggest, most difficult situations are not even close to what one considers an actual problem!

“There are much more important things in life than to worry about what others think of you."

Nami-miss man daw niya ang pag-arte, mas pinili ni Lexi ngayon na mag-focus sa kanyang pag-aaral.

“I love acting and I definitely miss it. However, having said that, I also love what I am doing now.

“After recovering from my attack, I enrolled into college and started studying about Child Development and Education in the University of Asia and the Pacific.”

Pinasalamatan din ni Lexi ang mga nakatrabaho niya noon at naging kaibigan sa showbiz; kagaya nina Bea Binene, Barbie Forteza, Derrick Monasterio, at Alden Richards.

Nakasama ni Lexi ang mga nabanggit na artista sa youth-oriented TV show na Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN