Shaira Mae wants to bring back love team with Mark Neumann

Shaira Mae on loveteam partner Mark Neumann: "Yung matagal na pagsasama namin ni Mark bilang magka-love team, magandang foundation iyon sa masasabi kong strong friendship."

 


Sa May 3 ang kaarawan ni Shaira Mae at kasama sa mga birthday wish ng TV5 Talent Center artist ang muli silang magkatrabaho sa isang proyekto ng dati niyang ka-love team na si Mark Neumann.

Huli pa kasi silang nagkasama bilang magka-love team noong isang taon sa TV5 adaptation ng Korean series na Baker King.

Ani Shaira, “Siyempre po, more projects to come.

“And sana po, kung mabibigyan ng chance, sana po magkatrabaho po ulit kami ni Mark.

“Para po sa fans ng love team namin na nagre-request na magsama kami ulit.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira sa pamamagitan ng telepono.

Abangan na lang daw ng fans ang pagkikita nila ni Mark sa kanyang pag-guest sa Happy Truck Happinas, ang TV5 Sunday noontime show kung saan isa sa regular hosts ang aktor.

Kuwento ni Shaira Mae, “Actually, noong una akong nag-guest sa Happy Truck, hindi kami nagkita ni Mark.

“Nagkataon namang wala siya dahil nagkaroon daw ng knee injury.

“May naka-schedule ulit akong guesting sa Happy Truck and sabi ni Mark, sisiguraduhin daw niyang nandoon na siya.”

Kahit hindi na sila magkasama bilang love team ngayon ay na-maintan naman daw nila ang kanilang pagkakaibigan.

“Oo naman po, walang nagbago sa friendship namin.

“Kahit hindi kami nagkakasama nang matagal, pag nagkita, parang kahapon lang kami huling nagkasama.

“Kaming lahat sa Artista Academy, ganun kami, kasi talagang naging magkakaibigan kami.

“Yung matagal na pagsasama namin ni Mark bilang magka-love team, magandang foundation iyon sa masasabi kong strong friendship.”

BACK TO WORK. Magandang regalo rin para sa birthday ni Shaira Mae ang pagbabalik niya sa trabaho kaya thankful daw siya sa TV5.

Feeling relieved nga ang Kapatid actress dahil akala niya ay tuluyan na siyang matetengga at mawawalan ng projects matapos silang biglang paghiwalayin ni Mark.

For a time kasi ay wala siyang ginagawang project, pero ngayon ay magsisimula na raw siyang mag-taping para sa Wattpad Presents Salamin, sa ilalim ng direksiyon ni Lawrence Fajardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama niya rito ang kaibigan niya at Artista Academy winner na si Sophie Albert.

Isa pang ikinatutuwa ni Shaira Mae sa Wattpad na ito ay ang pagkakaroon ng bagong tema.

Dati kasi ay puro kilig stories o di kaya’y romance-comedy ang tema ng Wattpad.

Kuwento ni Shaira Mae, “Horror po siya ngayon. So, bago po siya sa akin, first time po nilang magho-horror.

“Yung mga dati ko po kasing ginawang Wattpad, puro rom-com.

“So, dito po, wala akong ka-loveteam, all girls po kami sa cast.

“Iniiba-iba na po kasi nila yung genre ng Wattpad.

“Kasama ko dito si Sophie Albert, first time naming magsasama sa Wattpad.”

Excited din si Shaira Mae dahil ipalalabas na ang pinagbibidahan niyang The Mysterious Case of Ana Madrigal sa Sari Sari Channel 3 ng Cignal Cable.

Aniya, “Ten episodes po siya. Mapapanood po siya ng 11 P.M. starting sa April 29.

“Medyo gabi po siya, kasi medyo sensitive yung mga eksena, thriller po siya.

“Ang masasabi ko po, challenging at daring ang role ko rito, pero hindi naman po sexy.

“May action po, medyo may patayan, ganun po.

“Kasama ko po rito sina Maui Taylor, Boom Labrusca, at Kim Molina, and directed by Aya Topacio.”

PROUD ENDORSER. Samantala, proud na proud din si Shaira Mae sa bago niyang TV commercial ng ineendorso niyang Caronia nail polish.

Nataon pang ipinalabas ito during commercial gap ng huling presidential debate sa ABS-CBN kaya naman natutuwa siya na ang daming nakapanood.

“Oo nga po, e, ang dami nga pong nag-text sa akin at sabi napanood nga nila tapos kinongratulate nila ako.

“Actually, yun po yung una sa set ng Caronia commercials ko for second season, may dalawa pa pong lalabas, parang iba-ibang adventures.

“Noong first season po, nagkaroon din ako ng tatlong TVC for Caronia.

“Thankful po ako sa Caronia kasi very supportive sila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And proud po ako kasi ito po yung first product endorsement ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN