John Prats reveals names of Baby Lily Feather's godparents

Matapos maisilang ang panganay na anak na si Baby Lily Feather, pinaghahandaan na nina John Prats at Isabel Oli and binyag nito. May listahan na rin sila ng mga magiging ninong at ninang ng bata.


Hindi pa rin maipaliwanag ni John Prats ang saya na nararamdaman ngayong ganap na siyang ama kay Baby Lily Feather, ang panganay na anak nila ng misis niyang si Isabel Oli.

Read: Isabel Oli gives birth to Baby Lily Feather

Pahayag niya, “Sobrang happy na ako ngayon na sobrang healthy and safe yung delivery ng wife ko.

"Kasi yung transition kasi na day one, na sana lima yung daliri ng anak ko, na kumpleto at healthy siya at walang kumplikasyon.

“Happy na ako na yun yung nangyari sa pamilya ko, sa aking munting pamilya.”

Hands-on father daw ang Banana Sundae mainstay kung saan siya raw ang toka na mag-alaga kay Baby Lily Feather sa madaling-araw.

“Ako yung nagkakarga sa kanya, siyempre breastfeeding, so kailangan kung gisingin yung wife ko kapag [kailangang dumede].

“Ang hirap nung una kasi hindi mo alam kung bakit umiiyak siya.

“Hindi mo alam, e, it’s either change diapers or gutom, yun lang naman, e.

“But after last week, ngayon alam ko na kung ano yung timpla, so medyo relax na kaming mag-asawa sa ngayon.”

Ipinanganak si Baby Lily Feather noong April 18 at ay nakaplano na ang binyag nito.

Sinabi ng 32-year-old Kapamilya actor kung sinu-sino ang ilan sa showbiz friends nilang magiging ninong at ninang ni Baby Feather.

“Meron na, meron na.

“Si Angelica [Panganiban] kasi ninang na talaga siya. Si Sam [Milby].

"Gusto ni Liv, yung wife ko, na yung buong Banana Sundae family.

“But sabi ko naman, 'Isa lang ba yung anak natin? Puwede bang i-divide naman natin sa susunod?'

“And, my brother Carlo, and yung iba naming friends na non-showbiz.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si John sa grand presscon ng peikulang ang diYOS-DIYOSAn.

Ginanap ang presscon sa Historia restaurant sa Quezon City, ngayong Huwebes, April 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN