Princess Punzalan admits to missing the limelight

Balik na muli sa limelight ang isa sa pinakamagaling na kontrabida sa Philippine television na si Princess Punzalan. Bukod sa teleseryeng The Story of Us ng ABS-CBN, ipalalabas na rin sa May 4 ang pelikulang diYOS-DIYOSAn, kung saan isa siya sa mga bida.


Balik-teleserye at paggawa ng pelikula ang aktres na si Princess Punzalan.

Nakabase ngayon si Princess sa Los Angeles, California, kasama ang kanyang asawa at anak. Nagtatrabaho siya roon bilang nurse.

Ang The Story of US ng ABS-CBN ang naging daan upang muling mapanood sa telebisyon si Princess.

Ano ang mga napansin niyang pagbabago sa set ngayong sumabak na ulit siya sa puyatan sa taping?

Saad ng 47-year-old actress, “Maraming mga nagbago. Malamig na ang ilaw at meron nang mga aircon tents na noon hindi pa uso.”

Na-miss ba niya yung ini-interview at nagpupuyat sa taping or shooting?

Sagot ni Princess, “Ang pinaka na-miss ko talaga ay ang mag-perform sa harap ng kamera, at alam kong preparado ako at ano ang gawin na hinihingi ng eksena.

“Basically, yun talaga, e, performer ako, e, artist ako.

“I am at my best, my happiest, kapag ginagawa ko kung ano yung nag-enjoy ako, kung ano yung gusto kong gawin.”

Dapat bang ma-tense ang co-stars niya sa The Story of Us na sina Xian Lim at Kim Chiu kapag kaeksena na siya?

“Hindi naman dapat. I think it’s just a natural reaction for any younger performer na maka-eksena ang isang tao na mas matagal na sa industriya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Princess sa grand presscon ng pelikulang diYOS-DIYOSAn.

Ginanap ang presscon sa Historia restaurant, sa Quezon City, kahapon, April 28.

Tinatalakay ng pelikula ang usapin ng pulitika sa bansa, kaya naman umaasa si Princess na makakatulong ito sa mga Pinoy sa kanilang pagboto sa darating na May 9 elections.

Read: Princess Punzalan to make movie comeback via dIYOS-DIYOSAn

PINAKAMAGALING NA KONTRABIDA. Kapag sinasabing Princess Punzalan, nakakabit na kaagad ang mga tag na ‘primera kontrabida’ at ‘pinakamagaling na kontrabida.’

Ano ang masasabi niya dito?

Saad ni Princess, “Nagkataon lang siguro na mas tumatak ang pangalan ko bilang isang kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But actually, before 1996, before nung MSP [Mula Sa Puso], typecasted ako bilang martir, kawawa, laging pinahihirapan, umiiyak, yung hindi lumalaban.

“Typecasted ako dun, kaya siguro ako napili bilang kontrabida dahil hindi mo aakalain na dalawang mukha nung mga panahon na yun.”

Dalawampung taon na ang nakalipas mula nang tumatak talaga ang kanyang pangalan bilang pinakamagaling na kontrabida sa kanyang henerasyon.

Ito ay dahil sa ginampanan niyang papel sa Mula Sa Puso na si Selina Matias, ang stepmother ni Claudine Barretto na nagpahirap nang todo sa kanyang karakter bilang si Via Pereira.

Okey lang ba kay Princess na hanggang ngayon ay kakabit pa rin ng kanyang pangalan ang nasabing karakter niya?

Sagot niya, “Okay lang. Masarap ang pakiramdam na na-appreciate ng tao ang ginawa mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN