Bea Alonzo ready to be bashed over her movie with ex-BF Gerald Anderson

For the first time, Bea Alonzo will be paired with her rumored ex, Gerald Anderson, in a Star Cinema project. Is romance up in the air? "It's too early to tell, right now, parang na-excite ako to see him. Look at him, ang guwapo, o," she gamely plays along.


Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa isang pelikula ng Star Cinema ang dating magkasintahang sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Inaasahan na raw ni Bea na puputaktihin na naman sila ng bashers gaya noong maugnay ang pangalan niya kay Gerald anim na taon na ang nakararaan.

Handa naman daw sila kung sakali.

Pahayag ni Bea, “Mas gusto namin na ilagay ang energy namin sa pagpapaganda ng pelikulang ito.

“To have a good and powerful material rather than thinking of the bashers.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Bea sa story conference ng pelikula nila ni Gerald sa Star Cinema office noong Miyerkules, April 27.

THE MEN. Posible kayang may manumbalik na pagtitinginan sa pagitan nina Bea at Gerald sa pagsasama nila sa isang pelikula?
   
Sagot ng Kapamilya actress, “It’s too early to tell. Right now, parang na-excite ako to see him.

“Look at him, ang guwapo, o! Step one pa lang, di ko alam kung ano.

“Matagal na dapat magkakatrabaho kami pero di natutuloy.

“Baka ito ang tamang timing, sobrang excited ako, it’s really exciting.”
   
Nang tanungin naman kung naging sila ba talaga ni John Lloyd Cruz, consistent si Bea sa kanyang sagot.
  
“No, we’re friends, nothing has changed.”
 
Samantala, may komunikasyon pa rin daw sila ng kanyang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo.
   
“Yeah, we’re friends. Hindi naman siya bad breakup, we still talk,” sambit niya.
 
Bilang single siya ngayon, bukas pa kaya sa pag-ibig si Bea?
   
Sagot niya, “Kahit naman sabihin natin na huwag muna, magpahinga muna, hindi naman natin alam kung kailan darating.

“So, I can’t really say that.”

PROJECTS.  Sa kabilang banda, ayon kay Bea, nakaka-challenge daw para sa kanila ni Gerald ang pelikulang gagawin nila para sa Star Cinema.
     
“Ay, oo, sobrang iba! Nakakakaba siya.

“Actually, ito yata yung storycon na pinakamarami akong tanong sa buong career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s very complex, so gusto ko siyang maintindihan, gusto ko siyang gawin nang tama.

“So it’s refreshing. Right now, I’m very, very challenged.”
     
Dagdag pa ni Bea, “What’s good about it, it’s character-driven, hindi siya plot-driven.

“Dun nagsisimula ang istorya, sa nararamdaman at pinagdadaanan ng dalawang characters.

“Yun ang challenging para sa akin, kasi nga parang bawa’t eksena, on point.”

Bukod sa pelikula nila ni Gerald, isang teleserye rin ang sisimulang gawin ni Bea ngayong Mayo.

“I’ll be with Ian Veneracion and Iza Calzado, Julia Barretto and Enchong Dee. It will be exciting,” banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN