John Prats, Isabel Oli in a hurry to have more babies

John Prats reveals the nickname of Baby Lily Feather: "L-I, for Lily, and F-E for Feather, and that's her nickname, LIFE."


Walang kapantay na kaligayahan ang nararamdaman raw ni John Prats dulot ng masayang samahan nila bilang mag-asawa ni Isabel Oli.

At nakadagdag pa ang pagdating sa buhay nila ng kanilang unang anak na si Lily Feather.

Paglalarawan ni John, “Even yung paglabas ni Feather parang sobrang magical yung feeling.

“Hindi mo alam umiiyak ka na pala, hindi mo planado, yung hindi ka nag-i-emote.

“Sobrang happy na ako at safety delivery yung nangyari sa wife ko at si baby Feather, normal. 

“Yung transition na day one ipinagdadasal mo na lima yung daliri ng anak mo, kumpleto siya, walang kumplikasyon.

“Happy na ako at yun ang nangyari sa aking munting pamilya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si John noong April 28, Huwebes, sa presscon ng lalabas niyang pelikula, ang Diyos-Diyosan, sa Historia Resto.

Ang nasabing pelikula ay may temang political at spiritual na pinagbibidahan rin ni Princess Punzalan kasama sina Kiko Estrada at Cheska Diaz, sa direksyon ni Cesar Buendia.

MORE BABIES. Tatlo hanggang apat na buwan pa ang palilipasin bago binyagan si Feather, ayon kay John.

Kabilang sa mga siguradong magiging godparents ni Feather ay sina Angelica Panganiban, Sam Milby, at ang brother ni John na si Carlo.

Gusto raw ni Isabel na buong Banana Sundae family na close sa kanila ang magiging ninong at ninang.

Pero sabi raw ni John sa asawa, “Parang isa lang ba yung magiging anak natin. 

“Puwede bang i-divide naman sa susunod?”

Hindi itinanggi ni John na pinag-iisipan na nila ni Isabel na masundan agad si Feather.

Pagkatapos ba ng isang taon?

Mabilis na sumagot si John, “Or less, kasi sunud-sunod. 

“After ng tatlong sunud-sunod, okey na kami.”

Matatagalan pa bago bumalik si Isabel sa pag-aartista, bibilang ito ng tatlo o apat na taon kapag nasunod ang plano nilang tatlong sunud-sunod na baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni John, “After three kids, yun ang mindset niya, e. Baby-making muna kami ngayon. 

“Si Liv [nickname ni Isabel], actually…ang tagal ko naman kasing hinintay ito, at I’m thirty-two and Liv is thirty-four. 

“So siguro, it’s about time na sunud-sunurin na namin.

“Kasi we don’t have that time, yung privilege na maghintay for another year.

"Hangga’t kaya ni Liv.” 

BABY FEATHER. Ipinaliwanag ni John kung bakit noong mga unang araw matapos isilang si Baby Feather ay hindi nila ito ipinakita sa publiko.

Saad niya, “Noong una, we were excited. 

“Si Liv, gumawa siya ng Instagram na Feather Prats kasi gusto na niyang makuha yung name. 

“Ako kasi, hindi ko makuha yung JohnPrats kasi someone took it.

“So gusto na niyang kunin yung Feather Prats kasi sa kanya na ‘yan, and we were so excited before sa paglabas. 

“And then no'ng lumabas, nakakalimutan namin, siyempre, the joy and the excitement doon, hindi namin nasi-share.

“Parang gusto rin namin na i-keep muna sa amin si Baby Feather.

“Eventually, we’ll definitely share kung ano yung itsura niya at mag-decide.”

Bakit Feather ang naisip nilang pangalan?

“Kasi nga, it’s light, frustration kasi naming mag-asawa to have a very unique name. 

“Like ako, napagkakamalan pa akong John Lapus, ang daming kapangalan, e, ang daming John.

“Pinag-isipan talaga namin.

"And yung Lily, sa mother-in-law ko, and gusto rin kasi ni Liv si Lily Collins.

"So we just put Lily Feather.

“L-I, for Lily, and F-E for Feather, and that’s her nickname, LIFE.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN