John Prats clears Angelica Panganiban of authoring touchy gag lines in Banana Sundae

John Prats on Angelica Panganiban: "Lagi ko namang sinasabi sa kanya, lalo na ako, na I'm always here."


Binigyang-linaw ni John Prats na ang mga punchlines ng kaibigang si Angelica Panganiban sa segments ng Banana Sundae ay hindi galing mismo sa dalaga.

Parehong mainstay ng nasabing Sunday gag show ng ABS-CBN sina John at Angelica.

Tingin ng mga manonood ay may kinalaman sa hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz ang tila mga pasaring ni Angelica sa show.

Pero ayon kay John, hindi personal na galing kay Angelica ang mga gag lines kundi mula sa script.

Sinabi rin niyang game naman ang aktres na sabihin ang mga ito.

“It is, mas malaki lang yung impact kapag siya ang bumitaw. 

“Pag ako nga ang nagbitaw parang okey naman, pero hindi kasing-lakas ng impact kapag siya ang bumitaw.

“Sabi ko nga, na-timing lang dahil napagdaanan lang niya. 

“Other than that, wala naman siyang suggestion, never naman siyang nagsulat kung ano yung sasabihin niya.

“It’s all scripted talaga, not because of her.”

Hindi kaya sinadyang sinulat yun para samantalahin ang pinagdaraanan ni Angelica ngayon habang mainit pang pinag-uusapan ang breakup nila ni John Lloyd?

Tanggi ni John, “Hindi, kasi no'ng sumikat ‘yan, isa sa inspiration namin, may nakita kami sa Facebook na gano'n.

“In-enhance lang namin, kinagat ng tao, at si Angelica pa yung last na bumibitaw, so mas kinagat.”


LOVELESS FRIENDS. Sinabi ni John na wala naman siyang nakikitang problema o kalungkutan kay Angelica kahit pa loveless ito ngayon.

Sabi pa ng Kapamilya actor, “Oo naman,  matapang na babae si Angelica. 

“Lagi ko namang sinasabi sa kanya, lalo na ako, na I’m always here. 

“Yung love ko naman sa kanya, unconditional, lagi akong nagdadasal for her happiness.”

Isa raw si John na nangangarap na sana ay matagpuan na ni Angelica ang tamang taong magmamahal sa kanya na pangmatagalan.

“Kasi nakikita ko na mabait na tao siya, e.

“Nakikita ko sa kanya na yun na lang yung kulang sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nong ibinalita kong buntis yung asawa ko, hindi raw niya alam kung masaya siya or malungkot siya.

“Alam mo kasi na yun ang gusto niyang mapuntahan.”

Isa pa sa mga close friends daw ni John na single din ay si Sam Milby.

Pahayag niya, “Yung buhay na meron ako ngayon, sana makapagpa-inspire sa kanila, sana magsilbing example sa kanila.

“Si Sam ipinagdadasal ko naman, lalo yung ikinasal ako, gustung-gusto na rin niya talaga [magpakasal]. 

“Sabi ko lang, ‘Okey yun na gustung-gusto mo.

“‘Pero huwag naman masyadong magmadali at huwag ka rin masyadong relax.’

“Ang hirap kasi kailangan mahanap mo yung tamang tao para iyo. 

“Pag ikinasal kayo, yun na yun, hindi dapat ulit. Hindi maganda.”


HAPPY FOR CAMILLE. Kampante naman si John sa buhay pag-ibig ng kapatid na si Camille Prats na ayon sa aktor ay ikakasal na sa January 2016 kay Vj Yambao.

Masaya si John para kay Camille.

“Mabait naman si VJ, mahal na mahal niya ang kapatid ko. 

“Yun naman ang importante other than kung ano pa man. 

“Basta masaya ang kapatid ko, masaya na rin ang buong family ko.

“Kaya welcome na welcome siya sa family ko, at palaki na rin nang palaki ang family namin. 

“Dalawa yung mga bata and my brother din, ten months na yung baby niya. Puro bata na yung bahay namin.

“Kahapon nga nasa bahay sila, sabi ko nga parang pang-breastfeeding na yung sala. 

“Dalawa [hipag at si Isabel] silang nagga-gano'n so iba na yung buhay talaga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si John no’ng April 28, Huwebes, sa presscon ng Diyos-Diyosan sa Historia Resto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN