Meryll Soriano shows concern for dad Willie Revillame amid child abuse case

Meryll Soriano on dad Willie Revillame's ongoing child abuse case: "Ang sa akin lang, you know he's doing everything to help the child. So parang ano pa ba ang gusto ng mga tao na mangyari? We have better problems na dapat harapin."


Nagulat si Meryll Soriano nang nakarating sa kanya ang mga isyung hinaharap ngayon ng amang si Willie Revillame.

Hindi raw siya aware sa mga latest na balita tungkol sa kasong child abuse na isinampa laban sa kanyang ama.

Nag-ugat ito sa pagsasayaw ng isang anim na taong gulang na batang lalaki nang hindi akma sa edad nito sa dating programa ng host sa TV5 na Willing-Willie noong March 12, 2011.

Read: Court of Appeals orders arrest of Willie Revillame over child abuse case

Hindi rin daw alam ni Meryll ang tungkol sa pagpapahinga muna ni Willie ng dalawang linggo, at pansamantalang pagtigil sa pag-ere ng Wowowin sa darating na Mayo.

“Nalulungkot ako na nalalaman ko pa sa ibang tao.

“Matago po kasi talaga siya. Malihim siya kasi, I guess, hindi siya yung tipo ng tao na magsi-share ng problema niya lalo na sa akin.

“Ayaw niya kasi magwu-worry ako.

“Ngayon, nagwu-worry na ako kasi nalaman ko na,” lahad ni ni Meryll nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

CHILD ABUSE CASE. Tungkol sa kasong hinaharap ngayon ng Wowowin host, naaawa raw si Meryll sa ama.

Pahayag nito, “Naaawa ako sa Papa ko.

“First of all, parang dapat tapos na ‘yan, e.

“Bakit naman kasi ipilit ng mga taong hindi naman involved. Nakakatulong naman si Papa, e.”

Dagdag pa nito, “Nasa London kasi ako nun, kaya hindi ko talaga alam kung ano talaga ang nangyari.

“Ang sa akin lang, you know, he’s doing everything to help the child.

“So parang ano pa ba ang gusto ng mga tao na mangyari?

“We have better problems na dapat harapin.

"Saka nananahimik na ang Papa ko, e. He’s living a quiet life.

“Ang gusto lang niya mag-show, magpasaya ng tao, tumulong.”

WORRIED. Alam niyang hindi raw siya tatawagan ng kanyang ama para ibahagi ang pinagdaanan nito. Kaya sasadyain na lang daw nila ito para makumusta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya yung tatawag, e. I have to see him.

“Pero ayaw din niya yung alam ko ang isyu. Gusto niya ikumusta ko muna siya.

“Siguro ayaw niyang mag-alala pa ako.

“Natatakot lang ako, ayaw niya yung nagwu-worry ako.

“Dun ako lalong nagwu-worry na may pinagdadaanan na pala siya wala akong alam.

“Nakakalungkot kaya yun,” saad ng 33-year old actress.

LONG-OVERDUE VISIT. Ngayong magpapahinga muna ng dalawang linggo si Willie at balak nitong magpa-check-up muna, balak ni Meryll na dalawin ang kanyang ama.

Sana raw ay magkaroon sila ng sapat na panahong maka-bonding nila ito kasama ang kanyang anak na si Elijah.

Minsan ay sinadya raw niya ang studio ng Wowowin sa GMA, pero wala na raw palang taping nung araw na iyun. Pagkatapos ng eleksiyon pa raw sila babalik sa pag-taping.

“As much as possible, I want him to see Eli para naman kahit papa'no,” sagot ni Meryll saka nag-isip ito nang matagal.

Sana magkaroon raw sila ng oras na makasama ito na silang pamilya lang.

Aniya, “Yun lang naman ang gusto ko, na magkaroon kami ng oras together.

“Unfortunately nga, ako ngayon ang naging busy, e. Hindi ko siya nadadalaw.

“I feel very guilty na hindi ko siya natsi-check kasi busy tayo sa Amboy, e. At least, ngayon, madadalaw na namin siya ngayon.

“Ako, personally, gusto ko talaga dumating na sa point na magkaroon talaga ng solid na relationship with him.

“Kasi hindi naman ako bata, hindi na rin siya bata.

“At alam ko, kailangan niya ako. Nagi-guilty tuloy ako,” seryosong pahayag ni Meryll.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN