Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo renew wedding vows

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo renewed their wedding vows on the occasion of their 7th wedding anniversary yesterday, Saturday, April 30, in a private resort in Batangas. The celebration was attended by their families and close showbiz friends.

 


Ipinagdiwang nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kanilang 7th wedding anniversary sa pamamagitan ng pag-renew ng kanilang wedding vows sa isang pribadong resort sa Batangas kahapon, Sabado, April 30.

(Instagram photo by @iamfperez)

Present ang pamilya ni Judy Ann at ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Juana Luisa.

(Instagram photo by @iamnoelferrer)

YOU MAY KISS THE BRIDE ... #sevenyearhitch #judayandryan7

A photo posted by @iamnoelferrer on

Ilan naman sa mga artistang nakibahagi sa pagdiriwang nina Juday at Ryan ay sina KC Concepcion, Iza Calzado at ang boyfriend niyang si Ben Wintle, at Agot Isidro. Si Father Tito Caluag naman ang nag-officiate ng seremonya.

Sa Instagram account ni Iza, sinabi ng aktres na sina Judy Ann at Ryan ang peg niya pagdating sa relationship.

Naghandog naman ng mga awitin si Agot para sa selebrasyon ng dalawa.

Ikinasal sina Juday at Ryan noong April 28, 2009 sa isang beach wedding sa San Juan, Batangas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN