Cesar Montano claims full payment of daughters' tuition fees for 2016 in FB post

Cesar Montano took to social media to disclose his full payment of his daughters' tuition fees for 2016. He said the disclosure was intended to correct "wrong information" that may have been misleading for some people.


Ipinost ni Cesar Montano ang litrato ng mga tseke at resibo bilang pagpapatunay na nabayaran na niya ang mga matrikula ng kanyang tatlong anak sa estranged wife niyang si Sunshine Cruz.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ng aktor ang nasabing larawan at ipinaliwanag sa caption na kinailangan niya itong gawin bilang pagklaro sa maling impormasyon umano na nakakarating sa ibang tao.

Simula ni Cesar, fully-paid na para sa 2016 ang matrikula ng kanyang mga anak na sina Angelina, Samantha, at Franchesca.

“I hate to do this making it public. I don't have to do this but after learning that some people get wrong info, oops got to do it now.

“Also I think I [owe] my 3 daughters (Angelina,Samantha, & Franchesca) this information and their friends too. And I will do this again next time.

“Please bear with me guys.

Dugtong ni Cesar, “It has been my passion giving my kids good education from day one.”

Sa ikalawang bahagi ng caption ay hinimok pa ni Cesar ang anak nitong si Diego Loyzaga na mag-aral din at isabay sa kanyang pag-aartista.

“How about you, Diego, tuloy mo na college mo habang buhay pa dad mo. He-he.

“Bata ka pa, you can do both, pag-aartista and school.

Paalala niya sa anak, “There's no substitiute for education.

“Basta I'm here for you.

“I love you, Diegz.

“I love you Angelina, Samantha, and Franchesca.

“I'm always here for you 100%.”

Nauna nang naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi nakakalimutan ni Cesar ang kanyang responsibilidad bilang ama sa mga anak niya kay Sunshine at siya raw ang nagbabayad ng matrikula ng tatlo, kahit na hindi niya nakikita ang mga ito.

Read: Cesar Montano still fighting for his right to see children with Sunshine Cruz

Sa Instagram, nag-react naman si Sunshine sa naunang pahayag na ito ni Cesar at tinawag niya itong "pabibo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sunshine Cruz on estranged husband Cesar Montano: "Pabibo siya..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN