Marian Rivera wishes to have more kids: ''Kung ilan ang ibigay, the more, e di mas masaya!''

Marian Rivera dreams of having more kids. She says, "Bukod sa pagiging teacher, isa lang ang pangarap ko—gusto kong magkaroon ng pamilya at gusto kong magkaroon ng maraming anak. Iyon talaga yung totoo. Kung ilan ang ibigay, the more, e di mas masaya!"


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng Yan Ang Morning! noong nakaraang Huwebes, April 28, sa GMA Network Center.

Naitanong naman namin kay Marian: paano kung biglang mabuntis siyang muli?

Ano nga ba ang plano nila ng asawa niyang si Dingdong Dantes kung kailan nila susundan si Maria Letizia o Baby Zia?

Ayon kay Marian, “Siyempre may mga prayoridad na kami.

Ayaw naman namin nung bara-bara na, ‘Ay, kailangan mabuntis agad!’

Siguro meron din naman kaming limitation na siguro si Zia one-year old, tapos ganun, kasi gusto naming planuhin yung mga buhay.

Hindi naman habambuhay artista kami, hindi naman habambuhay may trabaho kami, hindi ba?

So gusto naming planuhin na maging maganda ang kinabukasan ng mga anak naming. “Mga,” kine-claim ko 'yan.”

THE MORE, THE MERRIER. Gusto talaga ni Marian ang malaking pamilya.

Oo! Alam mo pag iniisip ko talaga, pag tinatanong ako, ‘Ano ba talaga ang pangarap mo?’

Bukod sa pagiging teacher, isa lang ang pangarap ko—gusto kong magkaroon ng pamilya at gusto kong magkaroon ng maraming anak.

Iyon talaga yung totoo.

Kung ilan ang ibigay, the more, e di mas masaya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN