Marian Rivera shares how motherhood changed her for the better

Marian Rivera reveals how motherhood changed her for the better: "Naging mas malawak yung pang-unawa ko sa buhay talaga. Kumbaga kung maliit na bagay parang pinoproblema ko, ngayon parang, 'Okay na 'yan, hayaan mo na 'yan.' Yung parang naging open-minded ako lalo sa mga sitwasyon."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng Yan Ang Morning! nitong Huwebes, April 28 sa GMA Network Center.

Saan siya mas ninerbiyos, sa pilot ng Marian na musical variety show niya o sa Yan Ang Morning! talk show niya?

Ito!

Kasi hindi ko talaga forte ang pagsasalita at ang paghu-host,” pag-amin niya.

Sino ang peg niyang host?

Wala akong peg na host.

Gusto ko lang maging totoo sa sarili ko, na si Marian yung makita nila.

Na parang, kaya nga namin sinasabi na hindi ako pamilyar dito pero ita-try ko.

So gusto ko ring ipaalam sa audience na kung may mga bagay sila na natatakot silang gawin, hindi sila pamilyar, walang masama kung susubukan mo,” pahayag niya.

ADVICE FROM DINGDONG. Going back to Yan Ang Morning!, sino ang nais niyang i-guest sa show niya?

Sabi niya, “Alam mo binibigay nila sa akin ang script, andun na, hindi ako namimili talaga.

Depende kasi sa nangyayari, e.

Parang depende sa topic. Parang kahit sino.”

Taped as live ang Yan Ang Morning! pero ayon sa director ng show na si Louie Ignacio, kayang-kaya na ni Marian mag-live dahil sa husay na ipinapakita nito sa hosting.

Ayaw ba niya na mag-live?

Pag-amin niya, “Sa tooo lang, hindi ko alam kung papaano sasabihin pero nahihiya talaga ako! Iyon yung totoo.

Buong buhay ko sa pag-aartista ko, umaarte ako, nagge-guest ako, sumasayaw ako, hindi ako nahihiya.

Pero sa paghu-host, talagang nahihiya talaga ako.

Hindi ko alam, dahil siguro hindi ako pamilyar?”

Ang mister niyang si Dingdong Dantes ay mahusay na host. Ano ang pinapayo sa kanya ni Dingdong?

Tugon niya, “Just be yourself daw. Sabi niya, ‘Just be yourself!’

Sabi niya, ‘Naniniwala ang GMA kaya nila binigay sa iyo yan, kasi naniniwala sila sa ‘yo. Kung ano yung nakikita nila bilang ikaw, kaya ka nila nilagay diyan. So be yourself.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSITIVE INFLUENCE. Co-host ni Marian sa show si Boobay, at ayon dito, isa sa mga nagustuhan nito kay Marian ay ang pag-iimpluwensiya sa kanya na maging palasimba at madasalin.

Ano ang masasabi dito ni Marian?

Nakakatuwa, nakakatuwa siyempre!

Sabi ko nga e, nakakatuwa na nanggagaling sa ibang tao yung ganyan.

Sabi ko nga, paulit-ulit kong sinasabi, yung wisdom, siguro mas tumindi nung nagkaanak ako.

Kasi sabi ko nga, ang pag-aartista siguro napakasarap niyan dahil marami kang nata-touch na buhay ng tao, nabigyan ka ng pagkakataon para makita sa TV, instant money.

Pero sabi ko rin, ang pinakatotoong buhay siguro, dahil ako naranasan ko yan, nag-lie low ako, e.

Kumbaga ang trabaho, ang pag-aartista ay trabaho lang talaga.

Ang importante, sa likod nun, after, ano bang meron ka?

So ako, masaya ako sa buhay ko na, after nung trabaho na ipinagkakatiwala sa akin, pag-uwi ko ng bahay, yung totoong buhay.

Na pag nakita ko yung anak ko na, malayo pa lang, parang gumaganyan-ganyan, gumaganun na siya sa akin, hay ang sarap!” kuwento pa niya.

PRAYERS. At dahil madasalin nga si Marian, ano ang pinakamadalas niyang ipagdasal?

Madami! Madami akong pinagdadasal.

Siyempre, nagdadasal ako para sa pamilya namin—na maging mas matatag pa kami, mas marami pang mga anak ang dumating, at sa bawat anak na yun sana maibigay namin yung magandang buhay para sa kanila, mapalaki namin sila na mabubuting mga bata.

Tsaka siyempre yung lola ko, sila Mama, yung papa ko sa ibang bansa, siyempre family ni Dong, siyempre yung mga taong nagmamahal sa akin,” pagpapasalamat niya.

Kailan makikita ng ama niya si Zia?

Dadalaw kami sa kanya, baka sa Christmas.”

CONTENT. May kulang pa ba sa buhay niya?

Well, ang tao naman hindi nauubusan ng pangarap, ng mga gustong makuha pa.

Pero sa punto sa buhay ko ngayon, kuntento ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuntento talaga ako, masaya ako talaga. Kaya nga sabi ko, kung nanay ka, makaka-relate ka sa akin.

Iba ang may anak,” diin niya.

CHANGES. Ano ang unang nagbago sa kanya mula nang magkaroon siya ng pamilya?

Aniya, “Naging mas malawak yung pang-unawa ko sa buhay talaga.

Kumbaga kung maliit na bagay parang pinoproblema ko, ngayon parang, ‘Okay na 'yan, hayaan mo na 'yan.’

Yung parang naging open-minded ako lalo sa mga sitwasyon.”

GUEST LINEUP. Posible kayang maging guest sa Yan Ang Morning! si Heart Evangelista?

Paglinaw ni Marian, “Lahat talaga puwedeng mag-guest.

Wala kong hindi ige-guest, especially kung ang topic ay nakaka-relate at sila ang dapat i-guest, why not?

Oo, walang problema. Sabi ko nga wala akong anything na haharangin.

Kahit naman sa Sunday PinaSaya, never kong ginawa yun sa lahat ng show ko. Dumarating yung script sa akin, may guest na.

Dyusko! Sa punto ba naman sa buhay ko ngayon, parang grabe naman ako kung hindi pa ba ako [masaya], di ba?”

VP OF CHOICE. Tinanong naman namin si Marian tungkol kay vice-presidential candidate Leni Robredo.

Pinost ko si Ms. Leni, pinost ko siya, oo gusto ko siya, gusto ko yung mga adhikain niya at iboboto ko siya,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN