Melai Cantiveros plans to sue netizen for malicious post

Melai Cantiveros plans to file formal charges against a pro-Duterte netizen who posted a malicious threat implicating Melai's two-year old daughter. Melai found an ally in Angelica Panganiban, who, despite being pro-Duterte, castigated the netizen's ill intentions.

 


Nagpaplano si Melai Cantiveros na mag-file ng kaso laban sa isang netizen na bukod sa nilait si Melai ay sinabi pang sana raw ay ma-rape ang dalawang taong gulang na anak nila ni Jason Francisco.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Melai ang social media post ng babaeng nagngangalang Shawi Constantino Enriquez, taglay ang larawan at post nito na ikinagalit ni Melai.

May kinalaman ang post ng nasabing netizen sa iniendorsong presidential candidate ni Melai, si former DILG secretary Mar Roxas, habang maka-Rodrigo Duterte naman ang nasabing netizen.

Sa post ng netizen, tinawag niyang mukhang pera si Melai, pinayuhan itong ipaayos ang ngipin niya dahil mukha raw siyang mangkukulam, at naghangad na sana raw ay ma-rape ang anak ni Melai.

"hindi ako nakikipag away kahit binabash ako dahil si Mar Roxas ang napili at gusto kong presidente . Pero kung sasabihin mo saken "sana ma-rape ang anak ko "----ay ibang usapan na yan. Lalaban ako dahil hindi na tama ang punto mo. Pati anak kong baby na babae idadamay mo!? Sa mga kaibigan kong supporter ni Duterte tingin nyo ba tama pa tong ginawa ng kapwa nyong supporter? Handa ako mag file ng kaso sa taong to. Pls help me repost her face sa social media ang pangalan nya ay ( Shawie Constantino Enriquez )."pra makafile ng kaso sa knyang pagbabanta at pangbu-bully na itu , di na normal ginagawa nya ,at mananawagan ako sa DSWD at Bantay Bata sa pwedeng aksyon nila sa babaeng walang puso na itu . #pleaseHELP #speakforeverybody

A photo posted by PRINSEPE AT PRINSESA NG MASA ??? (@mrandmrsfrancisco) on

Hindi nakapagpigil si Melai at sinagot ang basher na aniya ay wala sa tama.

Saad niya, “Hindi ako nakikipag-away kahit bina-bash ako dahil si Mar Roxas ang napili at gusto kong presidente.

“Pero kung sasabihin mo sa 'ken sana ma-rape ang anak ko ----ay ibang usapan na 'yan.

“Lalaban ako dahil hindi na tama ang punto mo. Pati anak kong baby na babae idadamay mo!?”

Nanawagan pa si Melai sa mga kaibigan niyang maka-Duterte.

“Sa mga kaibigan kong supporter ni Duterte tingin n'yo ba tama pa 'tong ginawa ng kapwa n'yong supporter?”

Dugtong ni Melai hinggil sa basher, “Handa ako mag-file ng kaso sa taong 'to.”

Hiniling din niya na mai-repost ang pangalan at mukha ng nasabing netizen “para maka-file ng kaso sa kanyang pagbabanta at pangbu-bully na ito, di na normal ginagawa n'ya, at mananawagan ako sa DSWD at Bantay Bata sa pwedeng aksyon nila sa babaeng walang puso na ito.”

ANGELICA APPEALS FOR SOBRIETY. Samantala, sa comments section naman, pinanigan ng Duterte supporter na si Angelica Panganiban ang kaibigang si Melai.

Sa mensahe ni Angelica, sinabi niyang hindi porke't magkaiba ng opinyon at pulitikong susuportahan ay dahilan na ito para maghangad ng masama sa kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ng aktres na nais ng mga kandidato na matigil ang krimen at hindi tama na idamay ang walang muwang na bata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN