Sunshine Cruz says kids don't want to see Cesar Montano for now: "Ayaw nila. Irespeto niya na muna."

Reacting to estranged husband Cesar Montano's latest allegation that she gets in the way of his communication with their daughters, Sunshine Cruz says, "Ewan ko sa kanya. Naguguluhan na rin kami ng kids kung bakit bigla siyang nag-iingay ngayon."


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon ni Sunshine Cruz sa ipinahayag ni Cesar Montano na ang aktres daw ang humahadlang sa komunikasyon ni Cesar sa kanilang mga anak na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.

Sabi niya, “Ewan ko sa kanya.

“Naguguluhan na rin kami ng kids kung bakit bigla siyang nag-iingay ngayon,” paunang komento ni Sunshine na idinagdag pang ayaw na sana niyang magsalita sa mga ganitong issue hangga't maaari.

Sa pinakahuling panayam ng PEP kay Cesar, sinabi niyang, “Of course, nandun yung mga texts, pero makikita mong nakakalungkot, napipigilan sila ng kanilang ina.”

Read: Cesar Montano claims Sunshine Cruz gets in the way of his communication with daughters

STAYING POSITIVE. Hindi ba napipikon si Sunshine kapag may mga ganitong pahayag laban sa kanya?

“Nope, hindi ako napipikon.

“I've reached this stage in my life na natatawa na lang ako sa drama ng iba.

“Focus ako sa kids at sa work ko para happy na lang,” saad pa ni Sunshine nang kapanayamin namin ngayong Linggo, May 1, sa pamamagitan ng Private Messaging ng Facebook.

Dagdag pa niya, “At marami po akong mas importanteng dapat po isipin, rather than mag-focus sa ganyang sentiments.

“Sa ibang mga anak niya na muna siya mag-focus. Okay naman ang kids po.”

DAUGHTERS' REACTIONS. Tinanong namin si Sunshine kung ano ang reaksyon ng kanilang mga anak sa mga ganitong klaseng balita.

Sagot ng aktres, “They are strong enough to handle everything.

“Lahat naman po alam nila at hindi po sila affected.

“Ayaw nila masira ang summer vacation nila, kaya hindi sila naka-focus sa ganyan.”

Pero gusto ba ng kids nyo na makita si Cesar ngayon? O mas okay sa kanila na hindi na muna?

“Ayaw nila. Irespeto niya na muna. Eventually, magiging okay ang lahat.

“Siguro huwag na lang niya banggitin ang mga bata sa interviews, kasi lalo lang lumalayo ang kids sa ginagawa niya,” pakiusap pa ng aktres na napapanood sa Dolce Amore ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL. Bago nagtapos ang panayam ng PEP kay Sunshine, in-acknowledge naman ng aktres ang suportang ibinibigay ni Cesar at ipinayahag niyang nagpapasalamat din ang tatlong bata sa suportang ito para sa kanilang pag-aaral.

“They are still thankful for the educational support being given to them by their father,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN