James Reid declares loyalty to Nadine Lustre amid rumors: "She knows I will never do anything to hurt her."

Wala na raw gusto pang ipaliwanag si James Reid para sa mga taong hanggang ngayon ay nagdududa sa relasyon nilang dalawa ni Nadine Lustre. "I don't know what to say to them, siguro bitter sila," sabi ng Kapamilya actor.


Kasabay ng pagdududa pa rin ng ilan sa totoong estado ng relasyon nina James Reid at Nadine Lustre, patuloy din ang paglabas ng mga isyu at kontrobersiya tungkol sa kanila.

Nitong mga nakalipas na linggo nga ay naging viral sa social media ang video ni James kung saan may kasama siyang dalawang babae sa loob ng sasakyan.

Tipong pinapalabas na mahilig pa rin siya sa good time at hindi faithful sa girlfriend na si Nadine.

Paano hina-handle ni James ang mga ganitong isyu?

Sagot ng Viva star, “I think everyone knows na dati, sobrang party ako.

“I think there’s still… that I won’t be faithful or something like that.

“But in that video, I was on my way home and we gave a friend a lift, she’s an old friend of mine.

“She’s 29, she’s old friend, it’s really nothing with that video.”

Napipikon ba siya kapag may mga ganung isyu?

“No,” nakangiting sagot ni James.

“I don’t have to explain myself every time.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa presscon ng pelikula nila ni Nadine, ang This Time, noong Sabado ng gabi, April 30, sa Le Reve, Sgt. Esguerra, Quezon City.

UNDERSTANDING GF. Bilang boyfriend ni Nadine, kinakausap pa rin daw niya ito tuwing may kontrobersiyang lumalabas tungkol sa kanya.

“Of course, I have to explain to her.

“I mean, she knows I will never do anything to hurt her.

“Of course, I explain and she’s very understanding.”

Wala na raw gusto pang ipaliwanag si James para sa mga taong hanggang ngayon ay nagdududa sa relasyon nilang dalawa ni Nadine.

“I don’t know what to say to them, siguro bitter sila,” sabi niya.

Nangiti si James nang tanungin ng PEP kung may nabago ba sa kanya mula nang maging sila na ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Don’t get me wrong, I still love to party.

“For example, minsan si Nadine, sumama rin sa akin. We go out, party with our friends.

“I love that with her, she’s understanding and she didn’t try to change me.

“She loves me just the way I am.”

Malaking bagay ba na parehong boto ang kani-kanilang pamilya sa relasyon nila ni Nadine?

“Yes,” mabilis na sagot ni James.

“Actually, her dad was really happy nang magpaalam, he’s very happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN