May mga natuwa at mayroon din namang hindi sumang-ayon sa pagpu-post ni Cesar Montano sa Facebook ng tungkol sa pagbabayad niya nang buoo ng tuition ng mga anak nila ni Sunshine Cruz para ngayong 2016.
Kalakip ng Facebook post ni Cesar ay ang larawan habang hawak-hawak niya ang mga tsekeng ipambabayad niya ng tuition ng mga anak.
Read: Cesar Montano claims full payment of daughters' tuition fees for 2016 in FB post
Sa Instagram, nag-post din si Cesar ng kaparehong detalye na kanyang ibinahagi sa Facebook, ngunit naka-tag dito ang pangalan ng isang broadsheet writer at talent manager-showbiz columnist.
Nag-react dito ng ilan niyang followers:



Dahil siguro sa inis at gusto ring mang-inis ng actor-director, muli siyang nag-post ng kaparehong larawan at naka-tag pa rito ang ilan sa kanyang bashers.
