Vina Morales opens up about relationship with French boyfriend Marc Lambert

Vina Morales said her daughter Ceana likes her current boyfriend Marc Lambert, "They're very good, they get along really well. I am happy that Ceana feels comfortable with Marc and also Marc is the one who makes sure na kumportable yung anak ko when they are together so there, my daughter really likes him."


“I have a boyfriend na, finally!”

Ito ang excited na sagot ni Vina Morales nang kumustahin ang kanyang love life.

Inamin ni Vina na isa sa nagpapasaya sa kanya ngayon ay ang kanyang French businessman boyfriend na si Marc Lambert.

Aniya, “I am so happy. Well, it has been months.

“I was with him in Switzerland last February.

“He’s a very good person, we get along really well.”

Kasalukuyang long distance ang relationship nila dahil nga nasa Switzerland si Marc, pero sinisigurado naman nilang magkita sa kanilang out-of-the-country trips.

Gaano ba sila kadalas magkita?

Ayon kay Vina, “Sometimes nga lang because he’s very busy and I am very busy.

"I cannot fly to him, he cannot come here too, but very soon.

“He’s in Switzerland now because he’s doing some deals for business.

“He’s a businessman so he travels back and forth.

“Soonest he’ll be coming back so I am very excited.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa birthday party ng kanyang anak na si Ceana noong Sabado, April 30, na ginanap sa Metro Tent Pasig.

MARC AND CEANA. Naikuwento rin ni Vina na gusto ng anak niyang si Ceana ang kanyang boyfriend, “They’re very good, they get along really well.

“I am happy that Ceana feels comfortable with Marc.

“And also, Marc is the one who makes sure na kumportable yung anak ko when they are together, so my daughter really likes him.”

Paano niya ipinakilala kay Ceana si Mark?

“Inuunti-unti ko siyempre because I wasn’t really seeing someone for six years.

“Until finally I met this guy.

“Ipinakilala ko sila and then we go out of town, so there. They got close.”

Dahil wala si Marc dito sa Pilipinas ay nagbigay ito ng video message para kay Ceana na ipinakita sa kanyang party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binati ni Marc ng happy birthday si Ceana at sinabing sabik na siyang makita ito at si Vina sa kanyang pagbalik.

CEANA’S 7TH BIRTHDAY. Bukod sa kanyang boyfriend ay napakasaya at proud din naman ni Vina na ipagdiwang ang birthday ni Ceana, anak niya sa dating karelasyon na si Cedric Lee.

Ano ba ang pakiramdam na 7 years old na ang kanyang anak?

Sabi ng actress-singer, “Proud mommy, she’s seven already and she’s a good girl.

“That’s what I am proud of kasi napakabait ng anak ko.

“Wala pang ibinibigay sa aking problema and I hope in the future, wala rin; yun ang ipinagdadasal ko.”

Inamin ni Vina na clueless siya sa Descendants theme na pinili ni Ceana para sa kanyang birthdy party.

“I am so clueless with Descendants di pa masyadong kilala yung Descendants sa atin, di ba?

“So I said, 'You want a Barbie-themed party?'

“Then Ceana said, ‘Mom, I want a Descendants-themed party.

“I said, ‘Ano yun anak?’

“Hindi ko talaga alam, so I googled, I asked around, I searched.

“And then I got a coordinator and they put it all together na maging Descendants yung theme ng party.”

Ikinuwento rin ni Vina na ang anak mismo ang naglambing para sa party na ito.

Madalas ay out-of-town or out-of-the-country trips ang gusto ni Ceana. Kaya naman di siya nag-alinlangan na ibigay ito.  

“Every year kasi I ask her what she wants to do.

“So last year, she wants to go to Boracay. So that’s what we did, we were in Boracay.

“And then, sabi ko, 'For this year, what do you want, anak?'

“Kasi minsan, Disneyland gusto niya.

“So, ang nangyari, ang sabi niya, ‘Mommy, I want a birthday party.’

“Sabi ko, ‘O sige na nga. Last birthday party mo naman was when you were one year old.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So eto na, eto na yung gift ko sa kanya.”

Humingi pa ba si Ceana ng birthday gift bukod sa kanyang party?

“No, she didn’t ask anything, just this party.

“Ito lang talaga yung wish niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN