Cheska Diaz backs son Kiko Estrada in disclaiming video scandal

Cheska Diaz refuses to see the video scandal allegedly involving her son Kiko Estrada. She says, "I don't believe that's him, but if ever that's my son, I don't wanna see it. So far naman, hindi siya, yun ang pagkakaalam ko… he would always be honest with me."


Ikinagulat ni Cheska Diaz ang pagsulpot ng diumano’y video scandal ng anak niyang si Kiko Estrada.

Si Cheska ay anak ng yumaong character actor na si Paquito Diaz at naging kasintahan ng actor turned politician na si Gary Estrada, na siyang ama ni Kiko.

Nasangkot sa isang kontrobersiya si Kiko kamakailan matapos lumabas ang isang video scandal at ipinapalagay ng marami na siya ang lalaking nasa akto ng pagpapaligaya sa sarili.

Pahayag ni Cheska sa isyu, “Nagugulat lang ako, nahihiya ako for him... siyempre it’s a scandal.

“But I would remind him, if it’s not true, there’s nothing to be ashamed of kasi mapu-prove naman ‘yan e.”

Pero naniniwala si Cheska na hindi si Kiko ang lalaki sa naturang video.

“Because he told me it’s not true, and hindi naman siya masinungaling sa akin. 

“He would always tell me and, in fact, hindi siya nahihiya sa akin.

“Just to show you, example, masakit yung balls niya or yung privates niya, kahit mature na siya, ha, sasabihin niya, ‘Ma, look at this.’ 

“Hindi siya mahiyaing tao, he doesn’t keep anything from me.

“He would tell me even though sometimes that’s too much for me.

“But he would always be honest with me.”

Ekslusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cheska sa presscon ng Diyos-Diyosan nong Huwebes, April 28, sa Historia restaurant, sa Quezon City.

Kasama sa pelikula si Cheska na kinabibilangan din ng kanyang anak.

ON HIS OWN. Si Kiko nga raw ang unang nagsabi kay Cheska tungkol sa kontrobersiya.

Kuwento ng akres, “Sabi niya, 'Ma, may kumakalat daw na ganyan-ganyan. Video daw, e.'

“Sabi ko, ‘Huh, paanong nangyari ‘yan? Totoo ba yan?’

“‘Hindi, Ma,’ sabi niya. 

“Sabi ko, ‘Kung hindi totoo, there’s nothing to be ashamed of.

“‘And if ever na totoo man, you just have to say sorry,’ stuff like that. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, the usual, you have to take a step para makalimutan or tapos na.

“Pero kung totoo, always be humble and accept. 

“Kasi people are very forgiving, especially fans… they know everybody is not perfect. 

“Tama lang dapat yung gawin mo.

“So far naman, hindi siya, yun ang pagkakaalam ko.”

Gusto niya bang makita ang video upang malaman kung hindi nga iyon ang anak? 

Sagot ni Cheska, “No, I don’t wanna see the video. I don’t wanna see if ever it’s him. 

“I don’t believe that’s him, but if ever that’s my son, I don’t wanna see it.”

Confident faw si Cheska na kayang hawakan ni Kiko ang mga isyu at intriga sa showbiz.

“Oo, kasi he always tells me that he really loves his craft, ganun siya. 

“Very confident din siya how he handles himself… lalaki si Kiko, hindi siya babae. 

“Siguro kung babae ang anak ko, definitely I would probably be there by her side. 

“Since lalaki siya… Kiko is very independent, e.

“Pag gusto niya, gusto niya. He learns everything from me.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN