Cheska Diaz on her ex Gary Estrada: "Our lines are open, pero hindi kami super close."

Cheska Diaz is married to a non-showbiz guy with whom she has two kids and had held a regular job for 13 years. She has recently gone back to showbiz, "Kasi parang I was bored in the house. Sabi ko, sana bigyan ako ng small roles para makabalik uli. So, yun ang nangyari sa akin last year and this year."


Nagpaliwanag si Cheska Diaz sa sitwasyon nila ng ama ng anak niyang si Kiko Estrada na si Gary Estrada.

Dahil hindi naman nababalitang madalas silang mag-usap na dalawa, may mga isyung naglabasan na hindi okey ang samahan nina Cheska at Gary matapos silang maghiwalay, kahit nagkaroon sila ng anak.

Itinanggi ito ni Cheska at nilinaw kung paano ang samahan nila ng actor-politician.

Aniya, “I would not lie, after Kiko, Gary and I had always been like we’ll talk once in a blue moon.

“Pero pag kailangan ko si Gary, nandiyan siya.

“When there’s a problem or something that I want to say, he would be there.

“Even though we don’t talk every day, pag tinawagan ko siya and he knows I really need to talk to him, he will be there.

“Gary is the father of my son, but we’re not super close.  

“Yung parang we’ll call each other pag may problema.

"Our lines are open, pero hindi kami super close.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cheska nong Huwebes, April 28, sa presscon ng Diyos-Diyosan na idinirehe ni Cesar Buendia at co-star niya ang anak na si Kiko.

KIKO IN TRANSIT. Pagdating naman sa misis ni Gary, ang dating Viva artist na si Bernadette Allyson,  maayos naman daw ang kanilang samahan.

Ayon kay Cheska, “Berna I never had a problem, she’s always been nice to me. 

“Mabait si Berna, tinanggap niya si Kiko sa house nila before with open arms, she treated him well.

“That was the time that Kiko decided to go with ABS-CBN with me, and then he decided he wanted to be in GMA-7.

“I felt bad about that kasi we talked to Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head], we talked to Ma’am Charo [Santos-Concio]. 

“They are the big honchos of ABS-CBN, and I was so dyahi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That was the time I said, ‘Look, it’s time that you live with your dad so that you’re far from me.

“‘I don’t know how to deal with this shameful decision you’ve made.’

“Yun ang reason kaya siya napunta sa daddy niya.

“Actually, nag-over react lang ako, kasi pagbalik ko sa ABS CBN to explain, they were okay with it. 

“They felt bad but they totally understood everything.”

Ang dahilan daw ng desisyon ni Kiko, “He just felt a little bit more welome in GMA-7.”

Dagdag pa ni Cheska, “But of course, he respects ABS-CBN, kasi doon siya nag-workshop, marami siyang natutunan sa Channel 2.”

Dalawa hanggang tatlong taon daw na nasa poder ng daddy niya at ni Berna si Kiko.

Sabi pa ni Cheska, “They opened their home to Kiko even though they have many children din. 

“They treated him very fairly, and she even told Kiko to call her Mama Berna.”

Balik daw uli sa poder ni Cheska ang anak ngayong taong ito.

“Nagsarili siya before, but this 2016, bumalik siya sa house.

“Kasi siguro nami-miss niya na may kasama sa bahay, may nag-aayos.”

CHESKA'S MARRIED LIFE. Matagal nang married si Cheska kay Carlos Morales (hindi ang dating aktor) at dalawa ang anak niya rito—sina Stephan at Gabsi.

Thirteen years din daw siyang nagtrabaho sa isang carpet company. Retired na si Cheska at ayaw na niyang magtrabaho sa opisina.

Noong 2015 ay nagsimula na siyang bumalik sa showbiz.

Saad niya, “Kasi parang I was bored in the house.

“Sabi ko, sana bigyan ako ng small roles para makabalik uli. 

“So, yun ang nangyari sa akin last year and this year.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN