Derrick Monasterio scolded by director Laurice Guillen

Mula nang mapagalitan ni Direk Laurice Guillen sa set ng Hanggang Makita Kang Muli, sinabi ni Derrick Monasterio na pinag-aaralan na talaga niya ang kanyang mga linya bago sumalang sa kamera. Nalulungkot naman siya sa nalalapit na pagtatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.


Aminado si Derrick Monasterio na minsan na siyang napagalitan ng kanilang direktor na si Laurice Guillen sa set ng GMA afternoon drama series na Hanggang Makita Kang Muli.

Kuwento ng Kapuso hunk, “Yes. Hindi ko kasi nabasa ang script nung one time, e, parang dinaanan ko lang po yung part ko.

“Tapos bumaba po siya, e, nagalit.

“Bumaba siya ng OB [outside broadcast] van, tapos pumunta sa set.

“'Ano ba, ganyan lang ba yung gagawin mo?’ Ganyan-ganyan...

“Natakot po ako, pero may natutunan naman po ako na lesson siyempre.”

Naka-adjust na ba siya kay Direk Laurice?

Tugon ni Derrick, “Naka-adjust? Opo. Simula ngayon, binabasa ko na yung script ko from end to end.”

Dahil patuloy na tumataas ang rating ng kanilang show, masaya raw si Derrick na sinusuportahan sila ng mga manonood.

May album na rin siya kaya dito raw muna naka-focus ang actor-singer.

Saad pa niya, “Happy sa career po. Sa ngayon wala po akong babae, focus po muna sa career po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick bago siya sumalang sa #KapusoBangusFestival show noong Sabado, April 30, sa Dagupan City, Pangasinan.

Bukod kay Derrick, kasama rin niya na nagpasaya sa mga taga-Dagupan para sa taunang Bangus Festival sina Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Rafaell Rosell, Mike Tan, Andrea Torres, at Carla Abellana.

‘VAMPIRE’ IS CLOSING SOON. Samantala, ikinalungkot naman ni Derrick na magtatapos na sa Hunyo ang weekly sitcom na Vampire Ang Daddy Ko na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

Tatlong taon at kalahati rin siyang naging bahagi ng naturang show ng GMA at M-Zet Productions.

Saad niya, “Nakakalungkot kasi lumaki po ako ginagawa ko na yung Vampire, e.

"And super kind nung mga tao roon. Iba yung production ng M-Zet, mababait.

“Si Bossing [Vic], parang father po naming silang lahat, e. Tapos very humble.

"Marami kang matutunan talaga. Professional.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT TOO COMFORTABLE. May bago ulit magazine cover si Derrick kung saan ipinakita na naman niya ang maganda niyang pangangatawan.

A photo posted by Mark Sablan (@marksablan) on

Confident na ba talaga siyang maghubad para sa mga magazine covers or features?

Natatawa niyang sagot, “Hindi naman po. Seasonal po yun, parang strawberry.

“Summer naman so… tsaka opportunity po yun, e, so why not?”

Proud ba siya na marami ang naseseksihan sa kanya?

Sabi ng 20-year-old singer-actor, “Proud po, pero siyempre hindi naman all the time kailangan maghubad, di ba?

“Ano lang, kumbaga kung kailangan lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN