Newcomer Rob Moya on dad Jovit Moya: "My dad being gay was never an issue for me."

Rob Moya on dad Jovit Moya: "E, ano naman ngayon kung gay ang dad ko? As far as I know, he's the best father any kid can ever had. Hindi niya ako pinabayaan. Kahit na nasa ibang bansa siya, he was a good provider. Pinag-aral niya ako at ang ibang kapatid ko. Lumaki kaming maayos, magalang at may takot sa Diyos. As long as he is the father na nagpakita ng pagmamahal sa amin, I couldn't care less if he was gay or not."


“My dad being gay was never an issue for me. I am actually very proud of him.”

Ito ang naging pahayag ng bagong Kapuso actor na si Rob Moya tungkol sa kanyang ama, ang ‘80s actor na si Jovit Moya.

Ayon sa newbie actor, noong 2015 lang nag-open up ang kanyang ama tungkol sa sexual preference nito.

Lahad ni Rob, “Ten years po kasi kaming hindi nagkita ng dad ko.

“I was only 12 years old when he left for the U.S. to work.

“Noong bumalik siya, I was already 22 years old.

“Hindi siya nagkaroon ng chance na i-open up sa amin ang tungkol sa pagkatao niya.

“Pero sinabi ko naman kay Dad na matagal ko nang alam.

“Many people have talked about it behind my back.

“Kapag nalaman nilang anak ako ni Jovit Moya, yung gay topic agad ang biglang pumapasok.”

Dagdag pa niya, “Tsaka may maitatago pa tayo ngayon?

“But I am proud of my dad for opening up to me.

“Mas minahal ko siya because he was honest with me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rob sa press launch ng Kapuso primetime series na Juan Happy Love Story, na ginanap sa La Madera Gastronomic Pub, Tomas Morato, Quezon City, nitong Lunes ng gabi, May 2.

WHO IS JOVIT MOYA? Sa mga hindi nakakakilala kay Jovit Moya, una siyang lumabas sa That’s Entertainment ni German “Kuya Germs” Moreno noong 1985.

Naging contract star siya ng Seiko Films at madalas gumanap bilang kontrabida.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Jovit ay ang Ama Bakit Mo Ako Pinabayaan?, Bihagin Ang Dalagang Ito, Guhit Ng Palad, Leroy-Leroy Sinta, Ako Si Kiko… Ako Si Kikay, Tukso Layuan Mo Ako, Pardina at ang mga Duwede, Black Magic, at Eh Kasi Bata.

Noong 2000 ay naging isang police officer si Jovit at napabliang pa sa Manila’s Finest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa programang OUT ng GMA Network noong 2004 tinuldukan ni Jovit ang mga espekulasyon tungkol sa kanya by admitting he is gay.

Ayon kay Rob, “Para naman sa akin, e, ano naman ngayon kung gay ang dad ko?

“As far as I know, he’s the best father any kid can ever had.

“Hindi niya ako pinabayaan. Kahit na nasa ibang bansa siya, he was a good provider.

“Pinag-aral niya ako at ang ibang kapatid ko. Lumaki kaming maayos, magalang at may takot sa Diyos.

“As long as he is the father na nagpakita ng pagmamahal sa amin, I couldn’t care less if he was gay or not.

“Ang alam ko ay mahal na mahal ko ang daddy ko,” pagmamalaki pa ni Rob.

ENTERING SHOWBIZ. Si Jovit pa raw mismo ang nagdala kay Rob sa GMA Network para matupad ang wish niyang maging artista.

Saad ni Rob, “I was already modelling and doing commercials.

“I started modelling in Japan for Uniqlo noong tumira ako doon. I was working and going to school at the same time.

“Noong umuwi na ako ng Pilipinas, nagkaroon ako ng chance to be part of an agency, kaya doon nagsimula yung paggawa ko ng TV commercials.

“I also had the chance to be part of Cosmo Bachelors noong 2014.”

Patuloy niya, “Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging artista tulad ng dad ko.

“Noong makita niya na serious ako and I really want this, siya na ang gumawa ng paraan para madala ako sa GMA-7.

“I signed up with GMA Artist Center noong November 2015.

“Now, I’m in the teleserye Juan Happy Love Story bilang best friend ni Dennis Trillo.”

STARSTRUCK. Hindi raw mawala ang pagka-starstruck ni Rob noong makasama na niya sa mga eksena sina Dennis at Heart Evangelista.

Bigla raw lumabas ang pagiging fan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “I have to say sorry sa kanila parati kasi sobra akong nai-starstruck.

“Lalo na kay Heart na napakaganda at napakabait in person.

“Si Dennis, he’s such a cool dude. Walang kaere-ere.

“Then I get to work with Sir Gardo Versoza na naging kaibigan din ng dad ko.

“Tapos sila Ms. Lotlot de Leon, Tita Gloria Romero… most of them nakatrabaho ng dad ko.

“Kaya I am so blessed. Hindi ko mararating ang mga ito if not for my dad.

“Kaya maraming salamat, Dad, for making my dreams come true,” maluha-luha pang pahayag ni Rob.

Kung mayroon naman daw gustong maka-partner si Rob sa TV o pelikula balang-araw, ito ay walang iba kundi si Jennylyn Mercado.

Sabi niya, “Sana huwag magalit sa akin si Dennis, pero si Jennylyn Mercado talaga ang gusto ko.

“She’s so beautiful and so hot!

“Every actor wants to work with her and I am not surprised.

“Sana one day, makakilala ko siya at makatrabaho rin.

“It would make me so happy kapag natupad kaagad ‘yan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN