Melai Cantiveros's basher claims her Facebook account was hacked

Naghayag ng pagkadismaya ang isang nagngangalang Shawie Constantino Enriquez dahil sa maraming hate messages na kanyang natatanggap dahil sa pamba-bash niya diumano kay Melai Cantiveros at sa anak nito. Pero ayon sa kanya, na-hack ang kanyang account kaya wala siyang kinalaman sa naturang viral post.


Inulan ng batikos at galit ang isang netizen na nagngangalang Shawie Constantino Enriquez dahil sa kanyang birada laban kay Melai Cantiveros at sa two-year-old daughter nila ng komedyanteng si Jason Francisco.

Nagsimula ito nang i-repost ni Melai sa Instagram ang screenshot ng komento ni Shawie, na isa diumanong supporter ni Mayor Rodrigo Duterte, kung saan sinabihan siya ng masasakit na salita at pati ang anak ng komedyana ay idinamay pa.

Hindi napigilan ni Melai ang galit kaya nagbanta siyang sasampahan ng demanda ang naturang basher.

Read: Melai Cantiveros plans to sue netizen for malicious post

Dahil dito ay tinuligsa ng maraming netizens ang basher at patuloy na umiikot sa social media ang screenshot ng kanyang pamba-bash kay Melai.

Hindi na makita ngayon ang account ng naturang basher.

Kagabi, May 2, may isa pang Shawie Constantino Enriquez ang nagsasabing siya ang tunay na may-ari ng account na ginamit upang laitin si Melai.

Ayon kay Shawie, na-hack daw ang kanyang account at hindi na niya ito ma-access.

Kaya gumawa siya ng bagong account upang pabulaanan ang mga pinagsasabi ng hacker.

Saad ni Shawie sa kanyang post, “Sa mga nakaalam po nga balita tungkol sa amin ni Ms. Melai Cantiveros, nais ko pong ipaalam sa inyo na hindi po ako yung taong nag-message sa kanya.

“Hindi ko po nila-log out ang FB account ko sa cellphone ko, pero nung sabado po ng gabi nagtaka ako dahil andaming nagpapa-add sa FB ko at nagta-tag ng mga pictures ko na kung saan sinasabing nag-message ako kay Ms. Melai.

“Pagkatapos po nun, hindi ko na mabuksan yung dating FB account ko. Ako po ay nagulat at sobrang nanlumo noong nakita ko ang mga lumalabas na balita.

“Legit account ko po yun kaya hindi ko po magagawa ang bagay na ganun sa aking kapwa, lalo na sa isang artista. Tahimik po akong nagtatrabaho para sa aking pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At may mga magulang at pamangkin po ako kaya hinding-hindi ko po magagawa ang bagay na yun.

“At higit sa lahat, malaki po ang takot ko sa Diyos.

“Maaaring may mga hindi maniniwala, pero ito po ang totoo.

“Hindi na po ako makapagtrabaho nang maayos dahil sa pangyayaring ito.

“Nakausap ko na din po ang mismong nanay at pinsan ni Ms. Cantiveros.

“Ipinaliwanag ko na po ang side ko sa kanila. Hinihintay ko na lamang ang pagkakataong makausap ko si Ms. Melai.”

Ayon pa kay Shawie, biktima rin siya sa pangyayari.

“Panahon po ngayon ng pangangampanya, ang mga hackers ay walang pinipiling tao makapanira lamang ng kahit na sinong kandidato.

“At ako po ay nananawagan kay Ms. Melai na sana huwag agad maniwala at buksan ang isip sa iba pang mga posibilidad sa bagay na ito.

“Ako po ay sobrang apektado dahil sa isang bagay na hindi naman po ako ang talagang gumawa.

“Na-hack at nagamit lamang po ang FB account ko na iyon at wala na po akong paraan para mabuksan.

“Biktima lamang po ako.”

Nitong Lunes, sa episode ng Magandang Buhay, sinabi ni Melai na handa siyang patawarin ang basher basta humingi lamang ito ng taus-pusong paumanhin sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN