Heart Evangelista shrugs off pre-election surveys showing Chiz Escudero sliding down

Heart Evangelista on campaigning for her husband, vice-presidential candidate Senator Chiz Escudero: "You know, I think what's important is you give your 100 percent. That's all you can do. We pray na makuha ng mga tao, ng mga Pilipino kung sino ang gusto nila."


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Heart Evangelista ang resulta ng mga pinakahuling pre-election surveys.

Mula kasi sa unang puwesto ay bumababa ang puwesto ng mister niyang si Chiz Escudero, na tumatakbo bilang vice president ng Pilipinas.

Hindi naman daw ito masyadong naiisip ni Heart o ng kampo ng kanyang asawa.

Katuwiran ng Kapuso actress, “Ganun lang talaga, kahit anuman ang mangyari sa eleksiyon mismo.

“This is all destiny. Kahit ano ang ipilit mo, kung hindi para sa 'yo, hindi para sa 'yo.

“That's why it's important to pour your heart out, you give your 100 percent para at least alam mo na nagawa mo lahat. That's it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Heart sa presscon ng upcoming primetime series nila ni Dennis Trillo sa GMA Network, ang Juan Happy Love Story, nitong Lunes ng gabi, May 2.

MUDSLINGING. Tinanong din si Heart kung sa kanyang pangangampanya ay napatunayan niyang mas marumi ang kalakaran sa pulitika kumpara sa showbiz.

Hindi ito tuwirang sinagot ni Heart. Sa halip, sabi niya, “Ay, ayaw ko na. Ang hirap, ang hirap talaga.

“Pero again, I'm very lucky na yung asawa ko ay masayahing tao.

“Kahit pressured na sa labas, sa bahay masayahing tao pa rin, so nababalanse siya.

“I think that's important.”

Kaugnay nito, tinanong si Heart kung totoo ang balitang nakasuntukan ni Chiz ang asawa ng ng running mate nitong si Senator Grace Poe, si Neil Llamanzares.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay bali-balitang nagsuntukan ang dalawa dahil sa isyu diumano ng pera na gamit sa pangangampanya.

“Dyusko naman!” agad na reaksiyon ni Heart.

“Well, ganun talaga A few more days to go.

“Siguro ganun na lang talaga ang sasabihin nila. Wala naman siyang black eye, di ba?”

Pinabulaanan na rin ito mismo nina Senator Chiz at Senator Grace sa pamamagitan ng paglabas ng official statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Chiz Escudero's camp denies alleged fistfight with Grace Poe's husband

CAMPAIGN PERIOD. Kung mayroon naman daw siyang nagustuhan sa karanasan niya ngayong panahon ng pangangampanya, ito ay ang pakikisalamuha niya sa mga tao.

Sabi ni Heart, “Napasaya ko yung mga tao. I have never been so close to them.

“For the longest time na nag-artista ako, ito naka-hug ko sila, na-kiss ko sila, pinupuntahan ko sila, and that's an experience, di ba?

“Sa tingin ko, sa lahat ng artista, ako lang yata ang nakagawa nun.

“I'm proud na nakaikot ako at nakita ko sila.”

Dagdag pa niya, “Lahat, yung motorcade, pagpunta sa palengke, ganyan.

“Sobrang classic yung mga reaction nila, sobrang appreciative sila na pumunta kami doon.

“Kahit medyo pagod, sobrang saya lang.

“Kung may na-enjoy ako sa eleksyon na ito, nakakaikot ako sa buong Pilipinas, nakikilala ko ang iba't ibang tao.

“Kahit nakakapagod, nakaka-inspire siya.”

“Kahit medyo pagod, sobrang saya lang.”

Ayon kay Heart, patuloy pa rin ang paglilibot nila sa iba't ibang lugar sa Pilipinas para ikampanya ang kanyang asawa bago sila pumunta sa Sorsogon, kung saan siya nakarehistro bilang botante.

“Last two minutes. Ikot pa rin.

“Nae-enjoy ko naman siya kahit pagod talaga. Pero nakaka-enjoy talaga.

“You know, I think what's important is you give your 100 percent. That's all you can do.

“We pray na makuha ng mga tao, ng mga Pilipino kung sino ang gusto nila

“You've done your part, you've done your 100 percent, that's what's important.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN