Shaina Magdayao on being single: "I'm just here, waiting for the right one."

Shaina Magdayao says she's willing to wait for Mr. Right: "You know, when I was younger, sabi ko [gusto ko] non-showbiz. Pero saan ako napunta? Sa showbiz lagi. So, at the end of the day, natuto na ako na hind maging idealistic. Parang showbiz man o hindi, okay lang, basta mabait. And siguro dapat may takot sa Diyos.


“Hay, dyusko, Lord! It’s been five years!” natatawang paglalarawan ni Shaina Magdayao tungkol sa kanyang pagiging single

Bagamat limang taon na ang nakalipas mula nang huli siyang magkaroon ng karelasyon, aminado ang Kapamilya actress na mayroong showbiz personalities na sumubok na manligaw sa kanya.

Kabilang sa mga naugnay kay Shaina ang Kapamilya actors na sina Piolo Pascual at Sam Milby.

Sabi ni Shaina, “Marami naman [nanligaw]. Pati non-showbiz din.

“Actually, I am thankful na may nakaka-appreciate pa rin.

“But, I guess, it’s really the timing. Wrong timing siguro kasi nga marami akong ginagawa.

“So, sabi ko, kapag showing nito [My Candidate], siguro meron na akong time.

“Malalaman niyo din naman. Bakit ko itatago? Ipagsisigawan ko ‘yan.”

Kuwento pa ni Shaina, madalas siyang nirereto ng matalik niyang kaibigang si Nikki Gil, ngunit sadyang abala siya sa trabaho pagpasok ng 2016.

“Oo, sine-set up niya ako sa friends niya. Lagi, ini-screen niya.

“But yung schedule ko yung problem.

“So, siguro may mga ilan pa kasi akong kailangan tapusin…

“I think kapag medyo nai-placing na natin yun, baka naman dumating na.”

LOOKING FOR MR. RIGHT. Pagdating sa larangan ng pag-ibig, natutunan daw ni Shaina na mas maging bukas sa anumang posibilidad at huwag madaliin ang pagpasok sa isang relasyon.

Saad niya, “You know, when I was younger, sabi ko, [gusto ko] non-showbiz. Pero saan ako napunta? Sa showbiz lagi.

“So, at the end of the day, natuto na ako na hind maging idealistic. Parang showbiz man o hindi, okey lang, basta mabait.

“And siguro dapat may takot sa Diyos. Wala nang kailangan ganito, kailangan ganyan.

“Hopefully, siya na yun, kung sino man ang susunod.

“Kaya I’m really willing to wait, kasi if he’s worth the wait, why not, di ba?

“And I know he’s worth the wait. So, let’s just wait.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Shaina pagkatapos ng presscon ng My Candidate, na ginanap sa 55 Events Place, sa Quezon City, nitong Martes, May 3.

Dito ay nabanggit ni Shaina na mahalaga sa kanyang maganda ang pundasyon ng paniniwala sa Diyos ng sinumang lalaking mapupusuan niya.  

Paliwanag pa niya, “Religion is different from your faith. And I’m more of the faithful kind.

“I don’t even get to go to church every Sunday because sometimes I have work.

“So, the traditional religious person, hindi ako ganun.

“I just want someone who has faith, and siyempre ibang usapan naman kung hindi siya naniniwala sa Diyos.

“Siguro yung may takot lang.”

Nang tanungin kung ang pagkakaiba ng spiritual faith ang rason kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanyang mga relasyon noon, nilinaw ni Shaina na wala itong kinalaman sa pananaw niya sa buhay ngayon.   

“No, no, no. It’s funny how people would always compare my past [to] wherever I am right now, but wala talagang connection.

“Even yung sa amin, malayo, e.

“Again, maski kayo alam niyo na it’s been five years, and marami nang nangyari sa akin sa loob ng limang taon.”

Bagamat hindi binabanggit ni Shaina, ang tanging nakarelasyon niya noon ay ang Kapamilya actors na sina John Lloyd Cruz at John Prats.

Sabi pa ni Shaina, “I’m really very happy na maraming mababait na taong nakapaligid sa akin, especially my friends who are very supportive and also my family.

“So, walang kinalaman yung past ko.

“Actually, kung meron man, siyempre it makes me who I am.

“And I’m thankful for all the lessons na natanggap ko sa past experiences ko.

“So, if I were to look back sa past ko, hanggang dun na lang yun.

“And not because I want to compare sa kung ano man nangyayari sa buhay ko ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN