Mikoy Morales recounts how he recovers from depression

For Mikoy Morales, it's not a question of choosing between music and acting. He says, "I can't choose between the two because it's two different platforms to express your craft. Siguro kung saan may matumbok pero sa ngayon I'm not letting go of either. Parehas siyang I find joy and distributed yung passion ko sa both."


Nag-open up ang Kapuso singer-actor na si Mikoy Morales na minsan na siyang dumaan sa matinding depression.

Ayon sa kanya, “It came to a point na I felt na sa kahit anong aspeto ng buhay ko, wala akong silbi.
    
“Yung wala ka nang drive bumangon sa umaga.
    
“Iniisip ko na dahil sa sobrang dami ng ginagawa ko, naiipon siya at nagpapatong-patong. Pero walang napupuntahan.
    
“I almost lost my will in everything—sa career ko, sa personal life.

“Yung wala ka nang makitang maganda at maayos sa mga ginagawa mo.
    
“Depressed na pala ako, then I started oversleeping.

“At yung mga nasimulan ko na parang tinamad na akong tapusin.

“I told myself, ‘I’m depressed, I’m going through something and I’m not okay.’

“Doon nagparamdam sa akin si Lord, hinayaan ko lang Siya.

“That’s the first step, e, you acknowledge it.”
    
Diin pa Mikoy, “Na-witness ko kung paano Niya gawin through other people.

“You just learn to surrender everything to Him.”     

Nakausap ng PEP.ph (PHilippine Entertainment Portal) si Mikoy sa launch ng kanyang single na “Pusong Hindi Makatulog” sa Music Hall @ Metrowalk, Pasig, noong April 28.
    
LOVE OF MUSIC. Ngayon nga raw ay bumalik na ang kanyang confidence at handa na ulit siyang tapusin ang mga nasimulan niya.
    
Tulad na lang ng awiting “Pusong Hindi Makatulog” na ilang taon niyang hindi matapos.

Pero dahil daw sa bagong inspirasyon niya, nagawa niyang matapos ito.
      
Saad ni Mikoy, “It’s all about longing for someone, kapag may na-miss ka kaya hindi makatulog ang puso mo.
    
“It’s really overwhelming kasi, for the first time, I’m letting people hear about the songs na gusto ko talaga at gusto kong gawin.
    
“This single will be a part of an EP [Extended Play] album that I will come out with very soon.
    
“Mga four songs ang laman ng EP and I will launch another single soon.
    
“For now, ito munang 'Pusong Hindi Makatulog' ang inilabas namin and it’s available for downloading on iTunes and other music streaming services.”
    
This year ay gusto ni Mikoy na mag-focus siya sa kanyang music dahil ito ang pinakagusto niyang gawin.
    
Bukod sa pagsulat ng mga sarili siyang songs, kinu-commission din siyang magsulat ng kanta para sa ibang artists at TV commercial jingles.
    
Ayon kay Mikoy, “Paisa-isa lang muna. Mahirap to handle a lot of things kasi.
    
“Before napagsasabay ko yung writing, producing, acting, performing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a lot of things and I just want to focus on one or two things now.
    
“Ayoko namang matawag na jack of all trades and master of none.”

ACTING BUG. Aside sa music, isa pang passion ni Mikoy ay ang pag-arte.
    
“Music is my first love then acting came in, tapos pumantay siya kaagad.

“I can’t choose between the two because it’s two different platforms to express your craft.
    
“Siguro kung saan may matumbok, pero sa ngayon, I’m not letting go of either.
    
“Parehas siyang I find joy, and distributed yung passion ko sa both.
    
“As long as it’s your passion, you do it for yourself, for your loved ones and for God.

“You do things because you love it.”
    
Huling napanood si Mikoy sa teleseryeng More Than Words at Marimar.

Katatapos lang niyang i-shoot ang indie film na 4 Days with Sebastian Castro sa ilalim ng direksiyon ni Adolf Alix, Jr.
    
Saad ng Protégé alumnus, “I really love the material. Para sa akin, napakita ko yung craft ko sa material na ito.
    
“In the story, four Valentine’s na magkasama kami ni Sebastian for four years.

“So, pinakita kung paano nag-grow yung relationship within those four years.
    
“Gagamitin din sa movie itong single ko. Bagay siya sa theme ng movie kasi.
    
“There have been opportunities before na I get to write for films and get to act on it too.

“Pero this time mapapakita ko talaga yung Mikoy craft sa acting and music.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN