Jessy Mendiola and JC de Vera see each other as spouse material

Jessy Mendiola on status of relationship with loveteam partner JC de Vera: "Mas masaya pag ganito. Kasi kung hahaluan mo pa ng mas lalagpas pa roon, baka maapektuhan ang trabaho."


Higit sa pagiging boyfriend at girlfriend material, inilarawan nina Jessy Mendiola at JC de Vera ang isa’t isa bilang husband at wife material, base na rin sa dalawang taon na magkatrabaho sila bilang magka-love team.

Ayon kay Jessy, “Si JC is boyfriend material, even husband material.

“I think kaya ko nasabi yun, kasi minsan may mga days na super down niya, nilalapitan ko siya, ‘Bakit ka down?’

“‘Nagkakaproblema kasi kami sa The Burgery [restaurant business ni JC],’ ganyan-ganyan.

“Alam mo yun, siguro nandoon kasi yung responsibility.

“And at the same time, alam niya kung paano hatiin; kung ano yung dito, kung ano yung saan.

“Kumbaga, alam niya kung paano mag-multitask.

“And I think that’s very important for one boyfriend or for a husband.

“Dapat naman talaga sa girl ang maging boyfriend or asawa is a responsible person.

“Siya kasi nagagawa niyang mag-multitask.

“Imagine mo na lang kung may anak na siya or kaya mayroon siyang trabaho, napagsasabay-sabay niya lahat iyon.

“It’s not an easy task,” paghanga pa ng aktres sa leading man.

Paglalarawan naman ni JC sa aktres, “Ang napansin ko kasi kay Jessy talaga is she knows what she wants.

“Alam niya kung saan siya pupunta, parang clear na sa kanya kung ano yung mga gusto niyang ma-achieve na ma-expand up to ten years.

“So, masaya siyang panoorin.

“Nag-o-observe ako sa kanya, ang sarap niya lang tingnan.

“Siyempre, along the way, mas nakikilala ko siya ng deeper.

“Siguro kaya kami naging kumportable alam naming tantiyahin ang isa’t isa.

“So, oo, girlfriend material siya, wife material siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jessy at JC sa presscon ng pinagbibidahan nilang ABS-CBN fantasy show na Wansapanataym Presents: Just Got Laki. Ginanap ang presscon kahapon, May 5, sa The Clean Plate restaurant sa Trinoma Mall.

Mula sa unang pagtatambal nila sa Kapamilya teleseryeng You’re My Home, pinagsama sila sa komedya sa gag show na Banana Sundae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay pakikiligin naman nila ang mga tao sa istoryang may halong pantasya pero nagbibigay-aral din sa Wansapanataym Presents: Just Got Laki, na mapapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN simula sa May 8.

GETTING TO KNOW EACH OTHER. Ganito man ang pananaw nina Jessy at JC sa isa’t isa, ayaw naman daw nilang i-pressure ang mga sarili nila.

Nasa point daw sila na kinikilala pa lang nila ang isa’t isa.

Pahayag ni JC, “Yun lang slowly nakikilala namin ang isa’t isa.

“Siyempre, hindi mo naman makikilala ang isang tao kung hindi mo naman siya nakikita palagi, na nakapambahay, ganun.

“Alam mo iyon, less iyong opportunity na makikita namin yung isa’t isa na ganun.

“Kasi nga, after ng You’re My Home, alam mo iyon, naging very grateful and thankful kami sa lahat ng mga opportunity na dumarating.

“So, lahat ng mga trabaho, tanggap nang tanggap, so nagkikita kami.

“Yung sa set na lang araw-araw, mga four or five times a week kaming nagkikita.”

Sa kasalukuyan, hindi pa raw masasabi ni JC na kilalang-kilala na niya si Jessy.

“Ay, hindi pa talaga. Kumbaga, yung lalim talaga, kasama na lang iyon sa journey.”

WHAT IF? Siyempre yung fans nila, katulad ng fans ng ibang love team, ay inaasam na sana ay mag-level up sa special relationship ang kanilang friendship.

Paano ba nila ide-describe ang relationship at closeness nila ngayon?

Sagot ni JC, “A, paano ba? Kasi I’m sure yung mga taong nakapaligid sa amin, alam nila kung paano kami.

“We’re both relax, we’re both steady.”

Pero hindi ba nila isinasara ang pinto sa posibilidad na magkagustuhan sila in real life lalo na’t pareho naman silang single ngayon?

“May bintana naman po kung sakali,” makahulugang sabi ni Jessy.

“Parang feeling ko, matagal-tagal pa kaming magkakatrabaho nito.”

Dagdag naman ni JC, “Nagpe-pray kami ng mas marami-raming projects pa. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Etong Wansapanataym, ano siya… gateway lang siya para amin na makapag-explore pa sa love team namin, sa partnership.

“Maybe next project, ibang genre naman, different layer naman ng acting ang kakailanganin.

“Ngayon, masaya lang kami.”

Sabi pa ni Jessy, “At saka mas masaya pag ganito.

“Kasi kung hahaluan mo pa ng mas lalagpas pa roon, baka maapektuhan ang trabaho.”

What if one day magising na lang si JC na gusto na niyang ligawan si Jessy? Ano ang magiging reaksyon ni Jessy rito?

“Magugulat!” sabay tawa ni Jessy. “Magugulat ako.”

Singit naman ni JC, “Baka ako, magulat din ako.”

ENJOYING THEIR LOVE TEAM. Sa ngayon, ini-enjoy lang daw nila ang kanilang love team at pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

Hindi nga raw nila ine-expect na magki-click sa mga tao ang kanilang tambalan.

Thankful din silang may sariling hukbo na ng fans at supporters ang kanilang tambalan.

Pagbabalik-tanaw ni JC sa journey ng kanilang love team, “Noong bago mag-umpisa yung You’re My Home, we both decided na we wanted to work.

“Kung ito talagang partnership na ito ay kasama talaga sa work, magku-commit talaga kami dito.

“Kung kinakailangan naming gawin yung mga eksena sa You’re My Home na sweet, na talagang maging loving yung characters naming dalawa, committed talaga kami doon.

“Napunta kami sa Banana Sundae, na alam mo yun, magpakita naman kami ng different layer sa acting namin which is comedy, nag-decide din kami na kailangan naming mag-commit.

“Masarap lang sa pakiramdam na mayroong isang tao na alam mong willing din to work, and may willingness din to learn, to explore.”

Ano naman ang masasabi ni JC na marami ang nae-excite sa tambalan nila?

Aniya, “Maraming nae-excite dahil nakikita nila onscreen na nae-excite din kami sa ginagawa namin.

“Iyon nga, kumportable talaga kami sa isa’t isa na lahat ng ipagawa sa amin ay nae-enjoy din namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo iyon, nagagawa namin nang walang reklamo, yung masaya lang kami.”

Maski nga raw si Jessy ay natutuwa na nagtuluy-tuloy ang love team nila ni JC.

Saad niya, “Hindi namin ine-expect.

“Siyempre, sa dinadaloy ng career namin na, ‘Oy, luma-love team tayo.’

“Yung parang hindi namin ine-expect na magkakaroon kami ng following, ng fans.

“Tapos yung mga fans namin, of all ages—may mga bata, may mga teens, may mga mommies, yun.

“So, kami happy lang and thankful sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN