Shaina Magdayao willing to work with Angelica Panganiban: "Trabaho is trabaho."

Shaina Magdayao has long moved on from her breakup with John Lloyd Cruz that she only remembers the good parts. She says, "He was a good guy, he was a good boyfriend to me, it just didn't work out. He treated me well, we're good friends."


Bukas daw si Shaina Magdayao na makatrabaho ang kapwa niya Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Parehong naugnay sina Shaina at Angelica sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Dating magkasintahan sina Shaina at John Lloyd.

Nang magkahiwalay sila ay lumabas ang balitang mag-on na sina Angelica at John Lloyd, pero nauwi rin ito sa hiwalayan.

Sabi ni Shaina sa posibilidad na magkasama sila ni Angelica sa isang proyekto, “Trabaho is trabaho lalo na pag maganda yung materyal.” 

Nakasama na nga raw niya si John Lloyd sa ilang episodes ng Nathaniel, ang nagtapos ng teleserye na pinagbidahan nina Shaina at Gerald Anderson.

Hindi pa raw nakakausap ni Shaina si Angelica.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I haven’t seen her, actually. 

“I think yung world ko, even non-showbiz, yung mundong ginagalawan ko, malayo sa mundong ginagalawan niya.

“Kaya hindi kami nagba-bump into each other.”

Bigla naman niyang naalala na may mga pagkakataong nagkabatian silang dalawa ni Angelica.

“Ay, nagkita na kami sa Star Magic Ball ilang beses.

“Ako, pumunta ako sa kanya sa Star Magic Ball, kasi you just have to be proper. 

“You just have to be respectful of the person, tao pa rin naman yun at pantay-pantay lang naman tayo. 

“Hindi naman tayo nakakaangat or whatever, you just have to be courteous.

“You just have to be proper para siguro hindi ka i-bug ng konsensiya… you can sleep well at night.”

Nakausap ng PEP si Shaina sa presscon ng My Candidate noong May 3.

DEDMA. Wala ba namang bad blood sa pagitan nilang dalawa?

Nag-isip muna si Shaina bago sumagot, “Sandali lang, ha, babalikan ko lang uli...

“It’s been five years na, e, five years ago.

“Siyempre tao lang, na-hurt ka. But totoo yung sinasabi nila.

“You have to let go of the anger and the pain, not for the person, but for yourself para maging okey ka, para makapag-move on ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And that’s what I did.  Yun ang trinabaho ko, kaya okey ako ngayon.”

Dagdag pa ng 26-year-old actress, “Sa lahat ng ito… ako siguro yung tao na pinakadedma sa industriyang ito.

“Hindi mo kailangang patulan nang patulan lahat, e.

“Ang mas importante, yung sarili mo, yung feelings mo, yung mga taong nakakahalubilo mo every day.

“Pero yung mga taong hindi mo naman nakakasama, medyo mahirap, mahirap ibalik, e.

“Paano ka makakabalik kung lingon ka nang lingon sa likod?”

Patuloy ni Shaina, “Like what I’ve said before, yung past, I’m just thankful dahil marami akong lessons na natutunan.

“It made me who I am right now at marami pa akong kailangang matutunan.

“Bata pa ako, marami pa akong experiences na mapagdadaanan sa buhay.

“But yung past ko, kahit gaano kakulay yun, I’m still very thankful sa lahat ng mga taong dumating sa buhay ko.

“Lahat ng taong tumulong sa akin, nagpapasalamat ako.

“And I don’t think I would be who I am right now if not for them also.”

CASE TO CASE. Umiwas naman si Shaina na magbigay ng komento tungkol sa naging problema nina John Lloyd at Angelica.  

Natanong kasi si Shaina kung bakit tila hindi nagtatagal ang mga relationship ng aktor.

Sagot agad ni Shaina, “Ay, naku, itanong ninyo sa kanya. 

“He was a good guy, he was a good boyfriend to me, it just didn’t work out. 

“He treated me well, we’re good friends.

“But it’s case to case, so wala talaga akong alam kung bakit hindi nag-work yung sa kanila.

“I can only speak from my experience.”

May posibilidad kayang magkabalikan sila ni John Lloyd?

“Ay, wow, may balikan agad? Malayo, e, malayo,” sagot ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN