Nadine Lustre reveals wish for boyfriend James Reid on his 23rd birthday

Ayon kay Nadine Lustre, na kay James Reid na lahat kaya naman ang tanging hiling niya para sa kaarawan nito ay kaligayahan.


Sa Miyerkules, May 11, ang ika-23 kaarawan ni James Reid.

Pero ayon sa Kapamilya actor, wala siyang nakaplanong selebrasyon dahil kinabukasan, May 12, ay lilipad na sila ng girlfriend na si Nadine Lustre papuntang Canada para sa kanilang US-Canada JaDine High On Love tour.

“I just wanna relax, honestly.

"Kasi yung US-Canada tour namin, we will leave May 12, day after my birthday.

“So I think I’ll just rest.”

Ano naman ang wish ni James para sa kanyang nalalapit na kaarawan?

Tugon niya, “Actually, my wish was for the success of This Time. And we got it already and we’re so happy.”

“Secret po” naman ang naging sagot ni Nadine nang tanungin kung may inihanda ba siyang sorpresa para sa nobyo.

Pero nabili na raw niya ang regalo para kay James.

“Nakabili na ako ng gift pero secret. Kasi yun yung gusto niya... it’s loud.”

Ano ang wish niya para sa boyfriend sa kaarawan nito?

Sagot ni Nadine, “Wish? Happiness. Wala naman po siyang kailangan, e. Gusto ko lang happy siya.”

Extra special ding maituturing ang kaarawan ni James dahil third monthsary nila ito ni Nadine. February 11, 2016 officially naging sila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News sina James at Nadine sa grand opening ng Paper Moon Cake Boutique and Café sa Alabang Town Center, Muntinlupa, kagabi May 6.

Ang naturang boutique café ay pagmamay-ari ng Viva Entertainment na siya ring namamahala kina James at Nadine.

(Photo by: Arniel C. Serato)

THIS TIME. Pagkatapos ng café opening, diretso kaagad sina James at Nadine kasama pa ang ibang Viva stars sa mall show ng This Time sa Alabang Town Center open parking.

Nakaabang na sa show ang libu-libong tagahang ng JaDine—ang fandom ng dalawa.

(Photo by: Arniel C. Serato)

Masaya ang real- and reel-life loveteam sa kinita sa opening day ng This Time na umabot daw sa P15 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay James, “It’s amazing. I think it’s more than Diary Ng Panget. I think Diary Ng Panget is more than P13 million.”

Mensahe naman ni Nadine sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula, “Thank you, maraming-maraming salat sa pagsuporta niyo sa This Time.

“Maraming-maraming salamat po sa mga organizers ng mga block screening.

“And then, sa mga hindi pa po nakapanood, panoorin niyo po dahil puwedeng-puwede po ito sa buong pamilya dahil Rated G po ito.”

Ano naman ang masasabi nila na itinuturing ang kanilang love team na isa sa pinakasikat ngayon?

Sagot ni Nadine, “Blessed lang po ako. I feel blessed na naghi-hit po lahat ng ginagawa po naming project ni James.”

Pagtatapos ni James, “We’re just happy. Not just about the love team but in general, happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN