Heart Evangelista on husband Chiz Escudero's VP bid: "Destiny 'yan, e. Hindi mo puwedeng ipilit ang destiny."

Heart Evangelista on possibility that husband Sen. Chiz Escudero will lose his VP bid: "I will be equally happy naman. Hindi pa kami nagha-honeymoon. Hindi pa kami nagkakaanak, kakakasal lang namin. There's so much to look forward to, we can finally live our lives. Kung anuman ang ibigay ng Diyos, happy pa rin, di ba?"


Nababalanse naman daw ni Heart Evangelista ang mga pangyayari sa buhay niya kahit naging busy siya sa kampanya at nagsimula na rin siya ng bagong primetime series sa GMA Network, ang Juan Happy Love Story.

Ipinauubaya na rin daw niya sa tadhana ang magiging kapalaran ng kanyang mister na si Senator Chiz Escudero, na tumatakbong bise presidente.

Sabi ng Kapuso actress, “I think, it’s the way you look at things. Binibigay lang ng 100 percent.

At the end of the day, destiny ‘yan, e. Hindi mo puwedeng ipilit ang destiny. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo.

I’m very happy na si Chiz, napaka-happy na tao.

Nakakatuwa, kasi siya na nga ang tumatakbo, pero siya pa rin ang nag-aalaga sa aming lahat, sa mga emosyon namin.

Siya pa rin yung stay positive, happy lang.

So, ganun lang ang environment sa bahay, happy lang kami and, you know, we just give our one hundred percent.”

Kumpara dati na mas may nararamdaman pa siyang kaba sa magiging resulta ng eleksyon, ngayon daw ay mas relaxed na siya.

Ayon kay Heart, “Siguro two weeks ago, kabado. Two weeks ago, pressure.

Pero ngayon, we’ve learned to let go and enjoy na lang what we’re doing and, again, it’s destiny, di ba?

Hindi mo mapipilit yun.”

Patuloy niya, “I will be equally happy naman. Hindi pa kami nagha-honeymoon.

Hindi pa kami nagkakaanak, kakakasal lang namin.

There’s so much to look forward to, we can finally live our lives.

“Kung anuman ang ibigay ng Diyos, happy pa rin, di ba?”

BABY PLANS. Nung dati, wala pa sa mga plano niya ang magkaroon ng anak. Ngayon, gusto na niya?

Sagot ni Heart, “Oo, dumarating na ako dun.

But again, may mga responsibilities din akong kailangang tapusin. Alangan namang mag-shoot ako ng commercial, buntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangang tapusin ko lang ang mga dapat tapusin. I have my whole life to live for us.

That’s why pumayag na rin akong mag-sign ng two-years contract sa GMA.

After that, hindi ko alam kung mag-quit na lang ako, kung ano bang plano ko.”

ENJOYING ELECTION CAMPAIGN SEASON. Maituturing na isa sa pinakamalaking pressure sa buhay nilang mag-asawa ang eleksyon.

Anu-ano yung mga nadidskubre nila sa isa’t isa sa mga ganitong sitwasyon?

Saad ni Heart, “Siguro napaka-lucky ko lang din na yung asawa ko, napaka-kalmado.

And, I think, it’s the way he looks at things.

Hindi ko nararamdaman sa totoo lang ngayon yung pressure.

A few weeks, yes, pero ngayon hindi. Kasi, ine-enjoy ko lang ang moment.

In fact, kung may na-enjoy ako sa kampanyang ito, pupunta ako sa palengke, ang dami kong napupuntahang lugar.

Nasira na ang diet ko, kasi lahat ng lugar, may iba’t ibang specialties, parang nagbabakasyon lang ako.

So, happy lang. Mahirap kapag masyado mong dinibdib ang mga bagay-bagay, baka magkasakit ka pa.

So, happy lang.”

SHRUGGING OFF BASHERS. Nabanggit ni Heart na dalawang linggo ang nakararaan ay mas may nararamdaman pa siyang pressure.

Halos kasabay nito yung pangba-bash sa asawa niya at isa na rito yung may kaugnayan sa pananalita ni Chiz na parang makata o tumutula.

Sinagot niya ito sa Instagram account niya.

Naapektuhan ba si Heart sa bagay na ito?

Pag-aanalisa niya, “Siguro blessing na rin na eighteen years na akong nag-aartista na parang hindi na siya [intrigues] bago sa akin.

So, you just learn to block.

Ganun lang, ganun lang ang gagawin mo. Kasi nga, health is wealth.

Aanhin mo ‘yan, di ba? Ang sarap mabuhay. Ang sarap ng life. You just have to rise above it.

Kasi ang importante, mahaba ang life niyo, happy kayong dalawa. Ganun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN