Dennis Trillo says he doesn't talk politics with leading lady Heart Evangelista

Dennis Trillo says he doesn't talk politics with his Juan Happy Love Story co-star Heart Evangelista: "Well, kapag magkasama kami sa taping, hindi kami masyadong nag-uusap ng pulitika. Pero nakakasama ako sa mga Poe-Chiz rally, so alam na rin niya yun."


Kahit magkasama at magkapareha ngayon sina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa bagong primetime series ng GMA Network na Juan Happy Love Story, hindi naman daw nila napag-uusapan ang tungkol sa pulitika.

Si Heart ay madalas na kasama ngayon sa mga kampanya ng mister niyang si Senator Chiz Escudero na tumatakbo bilang bise presidente.

Ayon kay Dennis, “Well, kapag magkasama kami sa taping, hindi kami masyadong nag-uusap ng pulitika.

Pero nakakasama ako sa mga Poe-Chiz rally, so alam na rin niya yun.”

Nilinaw ni Dennis na dumadalo siya sa campaign sorties nina Grace Poe at Chiz Escudero bilang isa sa celebrity entertainers.

Hindi ba ito nangangahulugang iniendorso niya ang tandem nina Grace at Chiz?

A, wala, wala akong ine-endorse,” diin ng Kapuso actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Juan Happy Love Story, na ginanap sa La Madera Gastronomic Pub, sa Tomas Morato, Quezon City, noong nakaraang linggo.

CELEBRITIES AS INFLUENCERS. Ano ba ang opinyon niya tungkol sa pag-eendorso ng mga pulitiko?

Ayon kay Dennis, “Para sa akin po, napakaimportante, napaka-influential ng role ng isang artista para ikumbinse ang isang tao na iboto yung isang tao.”

Bakit hindi niya ginagamit ang impluwensiyang mayroon siya bilang isang artista sa mga ganitong panahon ng eleksiyon?

Paliwanag niya, “Dahil hindi ko alam. Gusto kong gawin kapag alam ko at kilalang-kilala ko yung tao, yung pulitikong tumatakbo.

Pero parang hindi ko kayang gawin na iendorso ang isang tao, lalo na hindi ko alam, hindi ko kilala yung ieendorso ko.”

Dalawang araw na lang nga at eleksyon na.

Ano ang mga dapat na katangian ng isang presidente o bise-presidente?

Ayon kay Dennis, “Siguro dapat, unang-una, maging isang magandang ehemplo muna.

Siyempre, siya ang magiging role model na dapat pamarisan ng bawat isa.

Kailangan siyempre tapat at iniisip yung kapakanan ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang yung sarili niya o mga tao lang sa paligid niya kung hindi yung mga taong nasasakupan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN