Tom Rodriguez on girlfriend Carla Abellana: "She's certainly someone na pang-forever."

Tom Rodriguez explains why he and Carla Abellana refuse to reveal the real status of their relationship to the public: "For me, it's personal at pinag-usapan namin na we should have something for ourselves. If we go all-out sa public, mahirap ding wala kang matira sa sarili mo. It's hard to explain, pero ang sabi kasi ng nanay ko, 'Magtira ka para sa sarili mo.' So, yun ang ni-reserve ko na para sa akin."


Para kay Tom Rodriguez, nag-level up na, pero wala pa ring label ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Carla Abellana.

Kaya marami ang curious kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring aminang nangyayari mula sa kanilang dalawa, kahit obvious namang sila na.

Pahayag ni Tom, “Like what I've said, I would reserve that for the two of us.

“Kasi kami ang mas nakakaalam.

“Basta, ang sasabihin ko lang, masayang-masayang-masaya kami.

Bagamat ganito ang kanilang pananaw, idiniin namin kay Tom na maging ang avid fans nilang dalawa ay excited na ring malaman kung ano ba talaga ang real score nila.

Reaksyon ng hunky actor, “I'm sure, they are.

“Kung ano ang perception nila, kung ano ang gusto nilang isipin, yun ang isipin nila.

“Basta, she's the only one special to me.

“Hindi naman sa ayaw naming ipaalam sa public.

“For me, it's personal at pinag-usapan namin na we should have something for ourselves.

“If we go all-out sa public, mahirap ding wala kang matira sa sarili mo.

“It's hard to explain, pero ang sabi kasi ng nanay ko, 'Magtira ka para sa sarili mo.'

“So, yun ang ni-reserve ko na para sa akin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa presscon ng pelikulang Magtanggol na ginanap sa Maesin Restaurant sa SM Megamall, Mandaluyong City, kahapon, May 6.

Ang pelikulang ito ay ipinagmamalaki niya dahil tungkol ito sa OFWs na ang mga kuwento ng buhay ay malapit daw sa kanyang puso.

SETTLING DOWN SOON? Gayunpaman, naiisip na rin ba ang mag-asawa na't magkaroon ng sariling pamilya?

Ayon sa 28-year-old actor, “Hopefully, very, very soon.

“I would love to.

“As soon as I'm able to save up, and I'm saving up.

“I've learned how to be very wise in spending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabiro naman naming hirit kay Tom kung kailan naman niyang planong mag-propose kay Carla.

Parang nagulat na reaksyon ng 28-year-old actor, “Ha? Secret! Hahaha!

“She's certainly someone na pang-forever.

“Ako, heto na lang ang masasabi ko.

“Siguro bias lang ako, pero I can't imagine anyone not wanting her.

WIFE MATERIAL. Para ba sa kanya ay “wife material” si Carla?

Mariing tugon ni Tom, “Yes, she is!

“Definitely yes.

“Not just friend material, or co-worker material, definitely, I would say she's wife material.

Kasunod nito ay ang pagsasabi niya ng dahilan kung bakit ito ang tingin niya sa kanyang ''special friend.''

Aniya, “She connects.

“Iba siya... iba ang perception.

“She's very generous not only to her family but to her friends.

“She's very loving, she's very compassionate—hindi lamang sa mga common na tao, kundi maging sa animals.

“Her love for pets—you can really see her compassion. She cares and she loves.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN