Derek Ramsay sees himself getting married in two or three years

Derek Ramsay plans to start his own environmental crusade in Palawan if and when he decides to live there in the future: "I'm a big fan of Palawan and the environment. I'd probably do a lot of stuff in Palawan to help the environment."


Hindi itinatanggi ni Derek Ramsay na masaya at kuntento siya sa relasyon nila ngayon ng kasintahang si Joanne Villablanca.

May matamis na ngiti sa labi niya nang pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikulang My Candidate last week.

Saad ni Derek, “I’m very happy right now, I’m very happy.

“I’m healthy, I’m enjoying my life. I can’t ask for anything else.

“Walang tigil pumapasok yung trabaho.

“Yung mga trabahong pumapasok sa akin always different, always new, always fresh.

“I can’t ask for anything more.

“Siguro the only thing I can ask is a little bit more time with my son. Sana I can get more time with my son.

“But everything else is good.”

WEDDING PLANS. Sa ilang postings ni Derek sa kanyang Instagram account, lagi nitong ini-express ang kasiyahan sa pagsasama nila ni Joanne.

Tuloy, ipinapalagay ng maraming nakakabasa na papunta na sa kasalan ang relationship nila.

Posible kayang next year na maganap ang engagement o kasal nila?

Tugon ni Derek, “Siguro not in the next year.

“In the next two, pag tapos na ang kontrata ko sa TV5.

“Pag alam kong I have more time to give my family, I will definitely go to that, you know.”

Handa naman daw maghintay ang kanyang girlfriend.

“Yeah, kasi we’re enjoying the time. We’re not wasting the time we have.

“Kasi alam niyang busy ako sa work. When we do have the time together, we don’t waste anytime.

“Talagang maximize the time we have together.

“So, parang pagkatapos nito, I have time tonight, kasama ko siya at yung anak niya, manonood kami ng movie, we enjoy.

“Maybe, two or three years? My contract with TV5 is two more years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSITIVE CHANGE. Kung may pagbabago raw kay Derek sa kasalukuyan, yun ay kusa niyang ginawa at hindi dahil sa idinidikta ng relasyon niya.

Paliwanag nito, “Kasi I don’t believe in having a relationship where you tell that person to change.

“Kasi, you fall in love with that person for who they are.

“So, the change that you’re saying has to come from yourself.

“I guess you’re noticing change in me that’s good.

“It’s not change na pinipilit ko ang sarili ko. I guess I want to change and she’s making me a better person.

“Hopefully, I’m doing the same for her. Hirap ma-notice yung mga bagay na yun sa sarili mo, e.”

Ang hindi lang daw mabago ni Derek ay ang tingin sa kanya ng tao na pagiging mayabang niya.

Komento ni Derek, “I guess yun pa rin ang tingin sa akin ng mga tao.

“I think just because of my physical features. They think I’m antipatiko and hard to talk to.

“Kasi I’ve always been very approachable. I love to engage in conversation with anybody.

“The change siguro comes from me. Siguro before kung may time ako, it’ll be something that I’d like to do.”

PALAWAN ENVIRONMENTAL CRUSADE. After three years at natapos na ang kontrata niya sa TV5, at hopefully okey na yung sitwasyon nila ng kanyang anak, ano ang susunod niyang gagawin maliban sa planong kasal?

Pahayag ni Derek, “I’m a big fan of Palawan and the environment. I’d probably do a lot of stuff in Palawan to help the environment.”

Gusto niya raw itutok ang kanyang environmental efforts sa bayan ng San Vicente.

Nililinaw lang ni Derek na hindi siya tatakbo sa kahit na anong posisyon sa Palawan.

Paniniwala niya, “Because you can do it without being in politics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You can help politicians. And the best way to help is to educate and motivate people to create the change.

“If you get politicians who don't know how or who won’t educate the people or cannot motivate the people, then it's not worth it.

“If I live in Palawan, makikisama ako sa mga tao doon.

“If I’m in government, I can actually sit down there and have drinks with some local fishermen, which I actually do.”

Kung sakaling matuloy ang pangarap niyang ito, gagawa pa rin naman daw si Derek ng mga projects sa TV at pelikula, pero hindi na kasing dami na mga trabaho niya ngayon na halos sunud-sunod.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN