Jennylyn Mercado mum on rumor about being paired with Alden Richards for Koreanovela remake

Jennylyn Mercado remains tight-lipped about rumors that she will be Alden Richards's leading lady in the remake of the Koreanovela My Love from the Star: "Si Alden? Bakit naman hindi, di ba? Alam naman ng mga tao na trabaho lang talaga at gusto lang namin i-confirm kung anuman, if ever lang."


Walang ibinigay na kumpirmasyon si Jennylyn Mercado tungkol sa balitang siya ang magiging leading lady ni Alden Richards sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

“Naku, hindi ko alam,” nakangiting sabi ng Kapuso actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA News TV programna Dishkarte of the Day, noong May 5, sa Casa Milan, Fairview, Quezon City.

Kung sakali, payag ba siyang maging bagong kapareha ng Pambansang Bae?

Sagot ni Jennylyn, “Si Alden? Bakit naman hindi, di ba?

“Alam naman ng mga tao na trabaho lang talaga at gusto lang namin i-confirm kung anuman, if ever lang.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa balitang siya ang gaganap bilang si Steffi Cheon sa My Love From The Star?

“Sana... sana matuloy!” natawang sabi ni Jennylyn.

Kung sakali, gusto niya ang naturang Korean series?

“Bakit naman hindi, sino ba naman ang aayaw sa ganun kagandang proyekto?”

Alam daw ni Jennylyn ang kuwento nito dahil napanood niya, hindi lang niya natapos.

HANDLING BASHERS. Pero hindi pa man kinukumpirmang si Jennylyn ang magiging leading lady ni Alden sa My Love From The Star, may mga namba-bash na sa kanya sa social media, partikular na ang loyal AlDub fans nina Alden at Maine Mendoza.

Kung sakali, handa ba si Jennylyn sa bashers kung sakaling matuloy siya sa naturang proyekto?

Ayon sa aktres, “Siguro para sa akin, hindi kailangang gawin yun ng mga tao.

“Alam naman nila yung... ewan ko.

“Parang hindi siya nakakaganda sa mga sinusuportahan nila.

“Parang nakaka-off yun at hindi siya nakakagandang tingnan.

“Parang ganun ba ang mga taong nakapaligid sa atin? Parang hindi maganda.”

Dugtong pa niya, “Ako naman, hangga’t alam kong wala akong ginagawang hindi maganda.”

Pumapatol ba siya sa basher.

Aniya, “Naku, hindi! Ako, dedma lang.”

Kahit minsan may mga sumusobra nang mang-bash?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun talaga, hindi natin sila mapi-please.”

IN-DEMAND LEADING LADY. Sa pelikula naman, "Rom-com Queen" na ang bansag ngayon kay Jennylyn dahil sa dami ng mga matagumpay niyang romantic-comedy movies, gaya ng palabas ngayong Just The 3 of Us nila ni John Lloyd Cruz.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Thank you kung yun ang tingin nila. Salamat din dahil nag-e-enjoy ang mga tao sa ginagawa kong movie,” pagpapasalamat niya.

Gusto naman ba niya yung nalilinya siya sa rom-com kahit na kilala siyang mga drama talaga ang ginagawa niya?

“Oo, okey naman yun. Sa akin kasi, okey.

“Ibang project, masaya siya, magaan lang.

“Uuwi ka ng bahay na hindi ka masyadong pagod,” saad niya.

Nagpahayag din daw si Piolo Pascual na gusto siyang makapareha.

“Sana,” nakangiting sambit ni Jennylyn tungkol dito.

Ano ang pakiramdam na ngayon, siya na ang wini-wish na maging leading lady ng mga sikat na aktor?

“Ano ba ‘yan? Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

“Salamat... salamat at gusto nila kong makasama sa trabaho. Pero ano ba, sana... sana matuloy,” masayang pahayag niya.

May gusto pa ba siyang makasama?

“Kung sino ang ibigay, okey lang naman sa akin.

“Pero sabi ko nga, para maiba, babae naman.

“Puwedeng magkapatid, puwedeng mag-best friend o magkakaribal. Para maiba naman.”

E, kung magkarelasyon na parehong babae?

“Puwede rin naman!” natawang sagot niya.

Dugtong din ni Jennlyn, “Sabi ko nga, parang gusto ko si Sarah Geronimo o kaya si Toni Gonzaga, kaya lang sa ngayon, buntis si Toni.”

NETWORK CONTRACT RENEWAL. Sa huli, tinanong namin si Jennylyn kung ano ang estado ng kontrata niya sa GMA Network.

Mga fans kasing nag-aaway-away at nagsasabing lilipat na raw siya sa ibang network.

Sabi ni Jennylyn, “A, hindi naman po.

“Pero matatapos na siya [contract] ngayong May.”

Walang alok na renewal of contract ang Kapuso network sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think meron naman po, pero hindi pa lang po napag-uusapan.”

Kung sakali, pipirma ba siyang muli para manatiling Kapuso?

“Oo naman,” tugon ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN