Tom Rodriguez doesn't let politics get in the way of relationship with Carla Abellana

With all the bickering, grandstanding and unfriending going on on social media because of the current election campaign, Tom Rodriguez prides himself in not letting such issues get in the way of his relationship with GF Carla Abellana: "I don't think it should [affect our relationship]. And it saddens me when I hear family members and friends unfriending each other and disputing over this."


Hindi raw naapektuhan ang magandang relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana kahit pa magkaiba ang kanilang pananaw sa ilang kandidatong iboboto nila para sa May 9 elections.

Si Carla kasi ay lantaran sa publiko ang pagsuporta sa kandidatura ni presidentiable Mar Roxas, habang si Tom naman ay ibang kandidato raw ang naiisip iboto na ayaw na lang daw niyang pangalanan.

“I don’t think it should [affect our relationship].

“And it saddens me when I hear family members and friends unfriending each other and disputing over this.

“We can discuss ideas, whether it be the difference of ideas or yung mga pagkakaiba man ng mga pananaw natin o pagkakapareho ng mga pananaw natin, kaya nating pag-usapan at i-share sa isa’t isa sa sibil na pamamaraan.

“Dahil lahat naman siguro iniisip lang yung kapakanan ng isa’t isa e, na ito yung makakatulong sa bansa natin.

“Wala naman sigurong naghahangad na gusto kong suportahan ito dahil mas bababa ang bansa natin.

“Hindi, lahat tayo may kanya-kanya sinusuportahan dahil sila yung pinaniniwalaan natin na magdadala sa bansa natin sa lugar na nararapat,” paliwanag ni Tom.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa presscon ng pelikulang Magtanggol ng Felix and Bert Film Productions, kung saan isa siya sa mga bida.

Ginanap ang presscon noong May 6 sa Maisen restaurant sa SM Megamall.

POLITICAL DEBATE” WITH CARLA? Pag magkasama ba sila ni Carla ay walang “political debate” na nangyayari sa pagitan nila?

Sabi niya, “You know, if it comes up, it comes up. Okay lang, kasi I believe in healthy discussion.”

Wala rin daw siyang karapatan para pigilan si Carla sa kung sino man ang gusto nitong iendorso.

“That’s her right. I don’t judge people who endorse candidates because that’s their right as a citizen,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

APPEALS FOR INFORMED CHOICE. Ayaw na lang daw magbigay ng komento ni Tom kung sino man ang iboboto niya lalo na para sa pagka-presidente.

Diin niya, “I won’t comment na lang.

“Like I said, everyone has the right to endorse their own candidate of choice, and we all have the right to reserve our options for the candidate of our choice.

“What I instead would like to encourage is for people to really just be aware, na aralin nila.

“Kung sino man yung iboboto nila, basta sa loob-looban nila inaral nila at ginawa nila lahat ng makakaya nila para masigurado talaga na for them iyon yung kandidato na magdadala sa kanila sa kinabukasan na dapat para sa atin.”

Kailan lang na-decide ni Tom kung sino ang iboboto niya?

Paliwanag niya, “Even that is hard, e. Even now, I can say na anything can still change.

“Hindi porke’t ito yung kandidato mo of your choice, na ito na yung manok mo, na kahit anong mangyari dedepensahan mo magkamatayan man.

“Hindi rin puwedeng ganun.

“Kailangan ibukas din natin yung sarili natin na titignan natin talaga yung data, kumbaga yung facts, what’s happening now.

“We have to look at all the sides and really be informed.

“Hindi puwede yung ito lang yung side ko, dito lang ako, hindi ko gustong aralin kung anong meron kayo.

“Para mas accurate, mas lumawak yung pananaw natin, kailangan nating tignan ang bawat anggulo.

“So, tignan natin ang bawat plataporma ng bawat isa. Even up to this point I’m still studying, I’m still looking at all the candidates.

“Ayokong isara yung isip ko kasi the moment ikahon mo na, isara mo na yung isip mo sa isang bagay, wala na iyon na.

“There’s no room for growth, there’s no wrong for improvement, there’s no room for anything.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Irerespeto rin daw niya kung sakaling ang kandidato ni Carla ang manalo sa eleksyon.

“Whoever candidate wins, I would have to respect them because legally they are the winner,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN