Gabbi Garcia's camp cries foul over prima donna accusation

Pinabulaaanan ng kampo ni Gabbi Garcia ang akusasyon sa isang open letter sa Facebook na nag-inarte ito sa isang event sa Bataan at ayaw raw nitong makasama sa isang van ang ilang dancers. Ayon sa GMA Artist Center, dahil sa naturang post ay naging biktima ng cyberbullying si Gabbi, na isang menor de edad.


Isang open letter sa Facebook ng isang netizen ang mabilis na kumalat sa social media kahapon, May 9.

Laman ng naturang open letter ang diumano’y pag-aastang sikat ng baguhang Kapuso star na si Gabbi Garcia.

Ayon pa sa nag-post nito na si Jovan dela Cruz, tila ayaw makasabay ni Gabbi sa van ang mga 'starlet na dancers.'

Nangyari raw ang insidente noong Sabado, May 7, sa isang event sa Bataan.

Narito ang buong open letter ni Jovan:

Kalakip nito ang ilang larawan.

Sa naturang post ay nag-react naman ang aktres na si Rosanna Roces, gamit ang kanyang Facebook account na Jennifer Cruz Adriano, na nagsabing galit siya sa mga artistang kabagu-bago ngunit umaasta na diumanong sikat.

Minura pa ng beteranang aktres ang 17-year-old Kapuso talent.

GABBI'S CAMP REACTS. Kaugnay nito, nagpadala agad ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa GMA Corporate Communications kagabi, May 9, upang hingin ang panig ni Gabbi.

Ngayong Martes ng hapon, May 10, nakatanggap ng mensahe ang PEP mula kay Simoun Ferrer, ang assistant vice president for talent imaging and marketing ng GMA Artist Center, na siyang nangangalaga sa career ni Gabbi.

Sa naturang pahayag ay nilinaw niyang walang kinalaman ang kanilang talent sa negosasyon ng grupo ng dancers at sa organizer ng event.

Nakausap na rin daw nila si Jovan at naintindihan daw nito ang kanilang panig kaya binura na nito sa Facebook ang kanyang post.

Gayunpaman, nabiktima na ng cyber bullying si Gabbi dahil sa naturang open letter. Nag-private na rin ang Encantadia star ng kanyang Instagram account.

Narito ang buong pahayag ni Simoun:

“First of all, we would like to clarify na walang kinalaman ang artist namin na si Gabbi Garcia sa issue.

“We initially requested for Gabbi to have her own van going to the venue, because she will be coming from another engagement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kahit na di natupad ang original na usapan sa transportation arrangements, we adjusted and agreed to let Gabbi share the van with the other performers.

“When the team reached the venue, aside from the original agreed scope of work, nag-adjust kami muli and even accommodated the additional requests made by the organizers.

“However, nakiusap na talaga kami na bigyan ng sariling transpo si Gabbi dahil pagod na sya, masama na ang pakiramdam nya, at nagkaroon pa siya ng mga kalmot from the event.

“The organizer told us na they will allow Gabbi to go ahead and use the van, and the organizer even said, 'Sige, gawan ko na lang ng paraan. Ako na lang bahala sa kanila,' which was reiterated to one of our specialists in GMA Artist Center.

“Dahil dun sa sinabi ng organizer, nakampante na kami na mauna nang umuwi.

“The next day, because of the Facebook post of Jovan, we were surprised to find out na nag-bus ang ibang performers.

“Wala kaming kamalay-malay na ganun pala ang nangyari kasi nga sinabi ng organizer na siya na daw ang bahala sa transpo nila.

“Let me just repeat na sa lahat ng ito, never nakisali si Gabbi sa usapan, dahil siya ay nagpapahinga lamang sa loob ng van.

“As of this message, nakausap na ng management team ni Gabbi si Jovan, at binaba na ni Jovan ang kanyang post, dahil in-acknowledge niya na walang kinalaman si Gabbi sa pangyayari, at naging biktima lang si Gabbi sa sitwasyon na ito.

”Dahil sa post rin ni Jovan, naging biktima ng cyberbullying si Gabbi Garcia, na isang menor de edad.

”Thank you for giving us the opportunity to give our side. We hope this clarifies the issue.”

Sa pamamagitan naman ng kanyang Twitter account ay naghayag ng kanyang saloobin si Gabbi tungkol sa isyu:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN