Zsa Zsa Padilla in the process of healing after breakup with Conrad Onglao

"Pasensiya na dahil sa edad kong 'to, nagkakamali pa rin naman tayo sa buhay," says Zsa Zsa Padilla about her recent breakup with architect Conrad Onglao.


“I'm healing. I'm in the process of healing.”

Ito raw ang kalagaygan ngayon ni Zsa Zsa Padilla matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang fiancé na si Conrad Onglao.

Sa ginanap na special screening ng digitally remastered version ng dati niyang pelikulang Batang PX, sa UP Film Institute, kagabi, May 10, hindi naiwasang tanungin ng media ang Divine Diva tungkol dito.

Pinaunlakan naman ni Zsa Zsa ang entertainment reporters, ngunit nagpauna na siyang magiging matipid siya sa kanyang mga isasagot.

Natutunan daw kasi niya sa karanasang ito “to keep your private life, private.”

Katuwiran ng singer-actress, “Kasi, masyado akong naengganyo diyan sa social media.

“Alam mo, mula naman nung kami ni Dolphy, my life has been an open book.

“From now on, sorry guys, but my private life has to be private.

“I have to keep some from myself. Those are some the lessons that I've learned and a lot more.”

Sa kabilang banda, kung may iba pa siyang natutunan sa heartbreak na kanyang pinagdadaanan, ito ay nalaman niyang laging nariyan ang kanyang pamilya para suportahan siya.

Saad ng 51-year-old singer-actress, “I'm very blessed that I have my family with me, the support of my friends.

“That's all I need, I guess. We all have life lessons, you know.

“A friend of mine said, 'We never really fail to... Kumbaga, kahit ganito na ang edad natin, hindi natatapos sa life lessons.'

“So, yun ang mga isinulat ko, kung ano yung mga natutunan ko. And hopefully, not to commit the same mistakes again.”

At isa pang importanteng aral mula sa kanyang pinagdadaanan, ayon kay Zsa Zsa, “Love yourself.”

Dagdag niya, “Remember that your family got your back.”

THANKING FANS. Sa kabila ng hindi magandang pagtatapos ng relasyon ni Zsa Zsa kay Conrad, bumuhos naman daw ang mensahe ng pasuporta mula sa kanyang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you very much for all your very positive messages,” sabi niya.

Gayundin, humiling siya ng pang-unawa mula sa kanyang fans.

“Of course, pasensiya na dahil sa edad kong 'to, nagkakamali pa rin naman tayo sa buhay.

“Pero kaya pa rin tayo nandito, nabubuhay, to learn.

“It's a never-ending process of learning, di ba? Ganun talaga, e.”

Sa huli, isang pasasalamat naman ang naging pahayag ni Zsa Zsa.

“Life is good, God is good. I'm so blessed that He's been really good to me. I'm thankful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN