James Reid fulfills two of his birthday wishes; gears up for move to a 7-bedroom house

James Reid's another birthday wish: "My personal wish is to stop time. I wish everything could slow down... just a little bit."


Ang mga bata na may edad tatlo hanggang anim na taon ang kasama ni James Reid sa advance 23rd birthday celebration niya sa Asociacion de Damas de Filipinas, ang 103-year-old institution para sa mga ulila, abandoned, at foundling children. Ginanap ito kahapon, May 10.

Pero ngayong araw, May 11, ang aktuwal na kaarawan ng Kapamilya hunk.

Kinantahan, sinayawan, pinakain, at binigyan ng mga regalo ni James ang mga bata na tuwang-tuwang makita siya nang personal.

Naghanda rin ang mga bata ng mga production number; tinuruan nila si James na sumayaw at inawitan ng birthday song.

Pahayag ni James sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I feel like I’m celebrating my third birthday.

“Last year, I supported a similar foundation for children.

“I felt that this year, I’m doing so well, so I will do the same thing, give back again.

“I always like kids. I feel like a kid again.

“I had a very nice upbringing that’s why I wanna give back.”

BIRTHDAY WISH. Ang maging blockbuster ang pelikula nila ni Nadine Lustre na This Time at magkaroon siya ng Platinum album ang ilan sa mga birthday wish ni James na nagkaroon ng katuparan.

Noong Linggo, May 8, sa guesting niya sa ASAP, ang Platinum award para sa kanyang Reid Alert album ang sorpresang natanggap ni James.

Sabi niya, “I’m so happy. That’s one of the things I wished for, a Platinum album.

“And the same day I said it, it came true.

“My first birthday wish was the success of This Time and it came true, so I’m happy.

“I can’t just really explain it. I’m just happy, happy for Nadine as well and for the fans.

“I’ve only seen it once, sa premiere. I’m very proud of the movie.

“The film has a lot of content. It’s not a typical kilig movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Birthday wish din ni James ang makapagpahinga bago sila umalis ni Nadine sa Huwebes, May 12, para sa concert tour nila sa Amerika at Canada.

“I want to rest. We’ll leave for the US the next day, so  I have to rest and get ready for the tour.

“My personal wish is to stop time.

“I wish everything could slow down... just a little bit.”

Dagdag pa niya, “I have another project with Dreamscape, also another movie.”

NEW HOUSE. Pinaghahandaan na rin daw ni James ang paglipat sa 7-bedroom house sa Loyola Grand Villas, na binili niya para sa sarili at sa kanyang pamilya para magkasama-sama na sila.

Plano ni James na lumipat sa newly-acquired house sa July o August pagkatapos ng world tour nila ni Nadine.

Habang wala siya, ang kanyang kapatid at ama ang mag-aasikaso sa swimming pool na ipinadadagdag ni James sa bagong investment niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN