Robin Padilla parts ways with management team due to 'conflict of interest'

Hindi pagkakatugma sa interes ang ibinigay na dahilan ni Robin Padilla sa pagkalas niya sa kanyang management team pagkatapos ng ilang taong pamamalagi rito.


Kumalas na si Robin Padilla sa pangangalaga ni Betchay Vidanes ng Vidanes Celebrity Marketing pagkatapos ng ilang taong samahan nila.

Kagabi, May 10, inanunsiyo ni Robin sa kanyang Instagram account na tinuldukan na nila ng Vidanes management team ang kanilang relasyon.

Bahagi ng nakasaad sa announcement ng Vidanes Celebrity Marketing: ??The management and Mr. Robin Padilla have officially parted ways.??

Sa caption, sinabi ni Robin na desisyon niya ito at sumunod lamang ang Vidanes sa kanyang kagustuhan.

Ngayong araw, May 11, burado na ang naturang post sa Instagram ng actor-TV host.

CONFLICT OF INTEREST. Minarapat naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Robin tungkol dito.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, sinabi ng Pilipinas Got Talent judge kay PEP Associate Editor Rommel Llanes na "conflict of interest" ang dahilan ng kanyang desisyong umalis na sa poder ni Vidanes.

Pahayag ni Robin, ??Wala po yun, personal o business, hindi lang kami nagkaintindihan sa aksyon na gagawin ko patungkol po sa mga nagsabing ako po ay bumoto.

??Conflict of interest, pero inaayos ni Mama Eva at Mariel.??

Ang tinutukoy ni Robin na pagboto ay ang pagpu-post niya ng ??ballot selfie?? nitong nakaraang eleksyon, May 9.

Binatikos ng netizens ang pagpu-post ng aktor sa Instagram ng kanyang shaded ballot.

Read: Robin Padilla and Mariel Rodriguez accused by netizens of violating Comelec rules

Dinepensahan naman siya ng asawang si Mariel Rodriguez.

Sabi ng It??s Showtime host, walang nilabag na batas si Robin dahil hindi naman ito botante.

Sample ballot lamang daw ang kanyang ipinost at hindi aktuwal na balota.

Read: Mariel Padilla calls out Aiza Seguerra and Liza DiƱo for their rash behavior

Ipinagtanggol din ni Robin ang sarili sa pamamagitan ng kanyang abugado.

Read: Robin Padilla cries foul over character assassination against him

MESSAGE TO BASHERS. Kahit na nagpaliwanag na sina Robin at Mariel, patuloy pa rin ang pamba-bash sa kanila ng ilang netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman minabuti ni Robin na magpaabot ng mensahe sa bashers.

Pahayag niya, ??Ang pangako ng pagbabago ay kumakatok na sa ating mga pintuan kaya't siguraduhin nating malinis na ang ating sariling mga tahanan upang maging mas maaga ang paglilinis sa sariling bakuran bago ang bakuran ng kapitbahay hanggang sa lumaganap.

??Ang katotohanan ang siyang asawa ng pagbabago kaya't kung wala ang isa, hindi mangyayari ang inaasam na progreso.??


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN