Beauty Gonzalez hopes to get back to showbiz soon

First-time mom Beauty Gonzales is enjoying her baby, but what happens when she gets back to work? "You'll never know when you're ready until it's there. I hope I can be back soon," she says.


Ini-enjoy ng Kapamilya actress at first-time mom na si Beauty Gonzales ang kanyang three-month-old daughter na si Olivia, anak niya sa kanyang partner na si Norman Crisologo.

Ang dami raw niyang discoveries sa sarili at pagbabagong ginawa mula nang maging isa na siyang ina.

“Ang dami talaga, yung pasensiya, I mean, dati kung gusto mong lumabas.

“Ngayon home buddy ka na, yung ganun-ganun,” sabi ni Beauty sa morning talk show ng ABS-CBN na Magandang Buhay kaninang umaga, May 11.

Ito ang kanyang unang TV appearance since her pregnancy and childbirth.

Gusto na nga raw bumalik ni Beauty sa showbiz.

Handa na ba siyang iwan ang kanyang baby sa tuwing magtatrabaho siya?

Sagot niya, “As I said, you’ll never know when you’re ready until it’s there.

“Thankful lang ako, I’m happy na this is my first guesting with you, guys.

“Thank you for having me, this is the start, I hope I can be back soon.”

Ano naman ang pangarap niya para kay baby Olive?

“I dream for her na she can travel the world, she can live the best life that we can give her.

“And simple lang, gusto ko lang na maabot niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

“We don’t own our children, that’s what I realized.

“I want her to discover everything for herself.”

JANA AGONCILLO. Samantala, hindi napigilang maging emosyunal ni Beauty nang sorpresahin siya ng child star na si Jana Agoncillo sa paglabas nito sa Magandang Buhay.

Huling nagsama at gumanap na mag-ina ang dalawa sa dating Kapamilya daytime teleserye na Ningning.

Namatay ang karakter ni Beauty sa serye at kinailangan niyang magpaalam sa show dahil nabuntis nga siya.

Pero bago ang Ningning ay una silang nagsama sa primetime teleseryeng Dream Dad kasama rin si Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiiyak na sabi ni Beauty, “Kasi magandang buhay is where I started sa Dream Dad, doon ako sumikat.

“Because of magandang buhay [ang pagbati na pinauso nila sa Dream Dad], nagkasama kami ni Jana.

“And then Ningning, I mean it just feels good na nagkita kami ulit.

“It’s like deja vu na nagkita kami ulit sa Magandang Buhay [the show]. Thank you.”

Sabi naman ni Jana, “Nung natapos na po yung Ningning, na-miss ko po siya.

“Pinagdarasal ko po na sana magkita po ulit kami.”

Masaya na raw siya na natupad ang kanyang dasal.

Mensahe naman ni Beauty para sa anak-anakan, “I watched you every day sa Ningning, I was so proud of you.

“And I’m so excited for your career, I’m so lucky na I got to see you when you were starting, pareho tayong dalawa.

“Congratulations, dalaga ka na, malapit ka nang mag-dalaga.”

Sinamantala rin ni Beauty ang pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa Ningning, na hindi niya nagawa sa bigla niyang pag-alis sa show.

Aniya, “First and foremost, salamat sa lahat ng sumuporta sa Ningning.

“Binigyan niyo ako ng chance na ganito kasi dati hindi ako nakapagpasalamat bilang nabuntis ako.

“Pero salamat sa suporta.”

Sa pagganap niya bilang nanay ni Jana sa Ningning, masasabi ba ni Beauty na na-prepare na niya ang sarili niya sa pagiging mommy?

Sagot niya, “Yes, of course, kasi sobrang bait ni Jana, doon naano yung pasensya ko sa kanya.

“Sabi ko, ‘Oh my God, ganito pala pag may bata.’ I mean, ang dami kong natutunan.

“Kasi yung Ningning naman, marami naman silang mother lessons, e.

“So, it helped me prepare a bit to be mature with my daughter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN