ABS-CBN reporter Doris Bigornia accused of threatening GMA News crew in Davao

Pinag-uusapan ngayon sa Facebook ang open letter ng isang reporter mula sa GMA News Davao para sa ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia tungkol sa diumano'y pambabastos nito sa kanila. Nakaharang daw kasi si Doris sa camera ng 24 Oras Southern Mindanao habang nagla-live broadcast sila kahapon, May 11.


Isang open letter ang kumalat sa Facebook kagabi, May 11.

Sulat ito ng GMA reporter mula sa Davao na si John Paul Sarsuelo Seniel para sa ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia.

Sa nasabing open letter ay inilahad ni John Paul ang insidenteng nangyari sa coverage nila sa Davao.

Lahad niya, bigla na lamang daw humarang si Doris sa camera ng GMA News habang nagsasagawa sila ng live broadcast para sa 24 Oras Southern Mindanao, ang local newscast nila, bago pa man pumasok ang nationwide airing ng 24 Oras ng GMA Network main office.

Sa kuwento ni John Paul sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Facebook messaging, nangyari raw ang insidente between 5:25 to 5:30 P.M. kahapon, May 11, sa Marco Polo Hotel Davao.

Panimula ni John Paul sa kanyang open letter, “Miss Doris Bigornia, please act with decency when you are with your fellow members of the media.

“Maybe you did not know that we had a live report for our GMA 24 Oras Southern Mindanao Newscast, I can forgive you on that, but you acted like you did not see anyone interviewing Mr. Bong Go.

“Our DMNG Engineer Al Lim Ramz politely told you to excuse yourself from our camera since you became an eye sore to my live report.

“Mr. Bong Go and I were on cam, but you immediately scolded him and even told him, 'Sapakin kita.'”

DISRESPECTFUL DORIS? Kasunod na sinabi ni John Paul na tila walang respeto si Doris sa mga regional media katulad nila at ng kanyang crew.

Saad niya, “I don't care who you are, yes you are Doris Bigornia of ABS CBN, nauna kayo sa amin sa media, hindi pa ako nakarating sa trabaho na ito, napapanood na kita sa TV.

“Pero nakakabahala ang inasta niyo.

“Regional Media kami, oo, pero kahit ihilera ka sa amin dito sa region, namumukod-tangi kami sa rehiyon namin dahil rehiyon namin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sa rehiyon namin, hindi kami pa-star, we work with humility and authority.

“You have shown disrespect sa mas nakababata sa inyo.

“Huwag po kayong pa-Star dahil kahit kilala po kayo ng karamihan, hindi niyo po nasisiguro kung gusto ka ba nila.”

RESPECT EACH OTHER. Ginawa raw ni John Paul ang open letter—na may lagpas nang 8,000 likes, 3,000 shares, at isang libong comments—para matauhan si Doris at matutong rumespeto sa kapwa niya nasa media.

Saad niya, “I opened this up kasi nababastosan kami sa inaasta mo. Pilipino naman po tayo.

“Yes our companies compete against each other, but we are still Filipinos and we should respect each other sa kung anumang trabaho meron tayo.

“I have heard a lot of negative things about you, and now I fully witnessed a glimpse of your character.

“But I thank you for the opportunity of testing our character in the midst of a live report, I was not distracted. We stood with good character and we delivered well.

“Mindanaoans like my team (MELCHOR, JP, ALLAN) lighted a candle of good reportage and everybody follows.

“TO GOD BE THE GLORY.”

Minabuti ng writer na ito na hingan ng statement si Doris, sa pamamagitan ng Twitter, ngunit binlock niya kami.

Sa kabila nito, mananatiling bukas ang PEP sa kanyang panig.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN